Levitico 4:14
Ang Biblia (1978)
14 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinaka handog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.
Read full chapter
Mga Bilang 29:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, bukod pa sa (B)handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.
Read full chapter
2 Cronica 29:21
Ang Biblia (1978)
21 At sila'y nagsipagdala ng (A)pitong baka, at pitong tupa, at pitong kordero, at pitong kambing na lalake, na (B)pinakahandog dahil sa kasalanan sa ikagagaling ng kaharian, at ng santuario, at ng Juda. At siya'y nagutos sa mga saserdote na mga anak ni Aaron na ihandog ang mga yaon sa dambana ng Panginoon.
Read full chapter
Ezra 6:17
Ang Biblia (1978)
17 At sila'y (A)nangaghandog sa pagtatalaga ng bahay na ito ng Dios ng isang daang baka, dalawang daang lalaking tupa, apat na raang kordero; at ang pinaka handog dahil sa kasalanan na ukol sa buong Israel, ay labing dalawang lalaking kambing, ayon sa bilang ng mga lipi ng Israel.
Read full chapter
Ezekiel 45:22-23
Ang Biblia (1978)
22 At sa araw na yaon ay maghahanda ang prinsipe para sa kaniya at sa buong bayan ng lupain ng isang guyang toro na pinakahandog dahil sa kasalanan.
23 At sa pitong araw ng kapistahan ay ipaghahanda niya ng handog na susunugin ang Panginoon, pitong toro at pitong tupa na walang kapintasan sa araw-araw na pitong araw; (A)at isang kambing araw-araw na pinakahandog dahil sa kasalanan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978