Font Size
Levitico 3:6-8
Magandang Balita Biblia
Levitico 3:6-8
Magandang Balita Biblia
6 “Kung tupa o kambing ang handog pangkapayapaan, maging ito'y lalaki o babae, kailangang ito'y walang kapintasan. 7 Kung tupa ang handog ng isang tao, ito'y dadalhin niya sa harapan ko. 8 Ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at ito'y papatayin sa harap ng Toldang Tipanan. Ibubuhos ng mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.