Levitico 27
Magandang Balita Biblia
Mga Batas tungkol sa mga Kaloob kay Yahweh
27 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita: Kung may mamanata kay Yahweh na maghandog ng tao, iyon ay tutubusin nang ganito: 3 Kung anak na lalaki, mula sa dalawampu hanggang animnapung taóng gulang, ito ay susuriin upang palitan o tubusin sa halagang limampung pirasong pilak ayon sa timbangan sa santuwaryo 4 at tatlumpung pirasong pilak naman kung babae. 5 Mula sa lima hanggang dalawampung taon, dalawampung pirasong pilak kung lalaki at sampung pirasong pilak naman kung babae. 6 Kapag isang buwan hanggang limang taon, limang pirasong pilak kung lalaki at tatlong pirasong pilak naman kung babae. 7 Kung mahigit nang animnapung taon, labinlimang pirasong pilak kung lalaki at sampung pirasong pilak naman kung babae.
8 “Kung walang maitutubos dahil sa kahirapan, ang taong iyo'y ihaharap sa pari at siya ang magpapasya kung magkano ang itutubos ayon sa kakayahan ng may panata.
9 “Kung ang panatang handog ay hayop, dapat itong ilaan kay Yahweh. 10 Hindi ito maaaring palitan. Kapag pilit na pinalitan, ang papalitan at ipapalit ay parehong ilalaan kay Yahweh. 11 Kung ang ipinangakong hayop ay hindi karapat-dapat ihandog kay Yahweh, dadalhin iyon sa pari. 12 Hahalagahan niya ito, anuman ang uri ng hayop at hindi matatawaran ang halagang ipinasya ng pari. 13 Kung tutubusin ang hayop, magdaragdag kayo ng halaga ng ikalimang bahagi ng halaga ng hayop.
14 “Kung bahay naman ang ipinangako, hahalagahan ito ng pari ayon sa uri at kayarian, at ang kanyang itinakdang halaga ay hindi matatawaran. 15 Kung ang bahay ay gustong tubusin ng naghandog, babayaran niya ito na may dagdag na ikalimang bahagi ng halaga niyon, at mababalik sa kanya ang bahay.
16 “Kung isang bahagi ng lupang minana ang ipinangako, ang itutubos ay batay sa dami ng maaani doon: limampung pirasong pilak sa bawat malaking sisidlan[a] ng sebada. 17 Kung ang paghahandog ay ginawa sa simula ng Taon ng Paglaya, babayaran ito nang buo upang matubos. 18 Ngunit kung ito'y ginawa matapos ang Taon ng Paglaya, ang itutubos ay ibabatay sa dami ng taon bago dumating ang susunod na pagdiriwang; babawasin ang halaga ng nakalipas na taon. 19 Kung ang lupa ay nais tubusin ng naghandog, babayaran niya ang takdang halaga maliban pa sa dagdag na ikalimang bahagi ng halagang iyon. 20 Kung hindi pa niya ito natutubos at ipinagbili sa iba, kailanma'y hindi na niya matutubos iyon. 21 Pagdating ng Taon ng Paglaya, ituturing na nakalaan kay Yahweh ang lupaing iyon at ito'y ibibigay sa pangangalaga ng mga pari.
22 “Kung ang ipinangako naman ay ang lupang binili at hindi minana, 23 hahalagahan iyon ng pari ayon sa dami ng taon bago dumating ang Taon ng Paglaya. Sa araw ring iyon, ibibigay ng nangako ang pantubos bilang handog kay Yahweh. 24 Pagdating ng Taon ng Paglaya, mababalik ang lupang ito sa dating may-ari o sa kanyang tagapagmana. 25 Ang halaga ng pantubos ay batay sa timbangan ng santuwaryo. Bawat pirasong pilak ay katumbas ng labindalawang gramo.
26 “Hindi maaaring maipanata kay Yahweh ang panganay na hayop, maging baka o tupa sapagkat iyon ay sadyang para kay Yahweh. 27 Ngunit kung iyon ay hayop na hindi karapat-dapat ihandog kay Yahweh, tutubusin ito ng may-ari sa takdang halaga maliban pa sa dagdag na ikalimang bahagi ng halaga niyon. Kung hindi matubos, ipagbibili ito sa takdang halaga.
28 “Lahat(A) ng lubos na naialay kay Yahweh, maging tao, hayop, o minanang lupa, ay hindi na maaaring tubusin o ipagbili sapagkat iyon ay ganap na sagrado sa kanya. 29 Hindi na maaaring tubusin ang mga taong lubos na naialay kay Yahweh. Kailangan silang patayin.
30 “Lahat(B) ng ikasampung bahagi, maging binhi o bunga ng pananim ay nakalaan kay Yahweh. 31 Kung may nais tumubos sa alinman sa kanyang ikasampung bahagi, babayaran niya ito ayon sa itinakdang halaga nito maliban pa sa dagdag na ikalimang bahagi ng halagang iyon. 32 Isa sa bawat sampung alagang hayop ay nakalaan para kay Yahweh. Ang bawat ikasampung tupa o baka na mabibilang ay para kay Yahweh. 33 Hindi iyon dapat suriin ng may-ari kung masama o hindi. Hindi rin iyon maaaring palitan, at kung ito'y mapalitan man, ang ipinalit at pinalitan ay parehong ilalaan kay Yahweh; hindi na matutubos ang mga ito.”
34 Ito ang mga tuntunin na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok ng Sinai para sa sambayanang Israel.
Footnotes
- Levitico 27:16 Ang sisidlang ito ay maaaring maglaman ng timbang na halos 220 litro.
Levitico 27
Ang Biblia, 2001
Mga Batas tungkol sa mga Handog sa Panginoon
27 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Kapag ang isang tao ay gumawa ng isang maliwanag na panata sa Panginoon tungkol sa katumbas ng isang tao,
3 ang katumbas para sa isang lalaki ay: mula sa dalawampung taong gulang hanggang sa may animnapu ay limampung siklong[a] pilak, na ihahalaga ayon sa siklo ng santuwaryo.
4 Kapag babae, ang katumbas ay tatlumpung siklo.
5 Kung may gulang na mula sa limang taon hanggang sa may dalawampung taon, ang itutumbas mo ay dalawampung siklo ang sa lalaki at ang sa babae ay sampung siklo.
6 Kung may gulang na mula sa isang buwan hanggang sa limang taon, tutumbasan mo ng limang siklong pilak para sa lalaki at sa babae ay tatlong siklong pilak.
7 Kung may gulang na animnapung taon pataas ay labinlimang siklo ang iyong itutumbas para sa lalaki at sa babae ay sampung siklo.
8 Ngunit kung siya ay mas dukha kaysa inyong itinakdang katumbas, siya ay patatayuin sa harapan ng pari, at tutumbasan siya ng pari; siya ay tutumbasan ng pari ayon sa kakayahan niya na may panata.
9 “At kung tungkol sa hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat ng ibibigay sa Panginoon ay banal.
10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti; at kung sa anumang paraan ay palitan ng iba ang isang hayop, kapwa magiging banal ang kapalit at ang pinalitan.
11 At kung iyon ay alinmang hayop na marumi na hindi maihahandog na alay sa Panginoon, dadalhin niya ang hayop sa harapan ng pari;
12 at ito ay hahalagahan ng pari kung ito ay mabuti o masama; ayon sa paghahalaga ng pari ay magiging gayon.
13 Ngunit kung tunay na kanyang tutubusin, magdaragdag siya ng ikalimang bahagi sa ibinigay mong halaga.
14 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga ng kanyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan ito ng pari, kung mabuti o masama; ayon sa ihahalaga ng pari ay magiging gayon.
15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kanyang bahay, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga roon, at ito ay magiging kanya.
16 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kanyang minana, ang iyong paghahalaga ay ayon sa binhi nito; isang omer[b] na binhi ng sebada sa halagang limampung siklong pilak.[c]
17 Kung itatalaga niya ang kanyang bukid mula sa taon ng pagdiriwang, ito ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18 Subalit kung italaga niya ang kanyang bukid pagkatapos ng pagdiriwang, bibilangin sa kanya ng pari ang salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng pagdiriwang at ito ay ibabawas sa iyong inihalaga.
19 Kung ang bukid ay tutubusin ng nagtalaga nito, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salaping inihalaga roon, at ito ay mapapasa-kanya.
20 At kung hindi niya tubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao, ito ay hindi na matutubos.
21 Subalit ang bukid, kapag naalis sa pagdiriwang, ay magiging banal sa Panginoon, bilang bukid na itinalaga. Ito ay magiging pag-aari ng pari.
22 At kung ang sinuman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na kanyang binili, na hindi sa bukid na kanyang minana;
23 ay bibilangin sa kanya ng pari ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng pagdiriwang, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, isang banal na bagay sa Panginoon.
24 Sa taon ng pagdiriwang, ibabalik ang bukid sa kanyang binilhan, sa kanya na nagmamay-ari ng lupa.
25 Lahat ng iyong paghahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuwaryo: bawat isang siklo ay katumbas ng labinlimang gramo.[d]
26 “Gayunman, walang sinumang magtatalaga ng panganay sa mga hayop. Ito ay panganay para sa Panginoon, maging baka o tupa ay para sa Panginoon.
27 At kung ito ay hayop na marumi, ito ay kanyang tutubusin ayon sa iyong inihalaga at idaragdag ang ikalimang bahagi niyon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28 “Ngunit(A) anumang bagay na itinalaga sa Panginoon mula sa lahat ng kanyang pag-aari, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kanyang pag-aari, ay hindi maipagbibili o matutubos; bawat bagay na itinalaga ay kabanal-banalan sa Panginoon.
29 Walang taong itinalaga sa pagkawasak ang matutubos; siya ay tiyak na papatayin.
Batas tungkol sa mga Buwis
30 “Lahat(B) ng ikasampung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punungkahoy ay sa Panginoon; ito ay banal sa Panginoon.
31 Kung ang isang tao ay tutubos ng alinman sa kanyang ikasampung bahagi, idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyon.
32 At lahat ng ikasampung bahagi sa bakahan o sa kawan, lahat ng ikasampung bahagi na dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol ay banal sa Panginoon.
33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niya itong papalitan; at kung palitan niya ito, kapwa magiging banal ito at ang ipinalit at hindi ito maaaring tubusin.”
34 Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai para sa mga anak ni Israel.
Footnotes
- Levitico 27:3 Ang isang siklo ay halos katumbas ng 15 gramo ng pilak nang panahong iyon.
- Levitico 27:16 Ang isang omer ay katimbang ng 300 litro o 4 na kaban.
- Levitico 27:16 Ang isang siklo ay halos katumbas ng 15 gramo ng pilak nang panahong iyon.
- Levitico 27:25 Sa Hebreo ay dalawampung gerah .
Levitico 27
Ang Biblia (1978)
Batas tungkol sa mga pangako.
27 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata (B)ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.
3 At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak,[a] ang iyong ihahalaga (C)ayon sa siklo ng santuario.
4 At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo.
5 At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo.
6 At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.
7 At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.
8 Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; (D)ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.
9 At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal.
10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon.
11 At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote:
12 At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon.
13 (E)Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo.
14 At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan nga ng saserdote, kung mabuti o masama: ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon.
15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya.
16 At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pagaari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer[b] na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak.[c]
17 Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18 Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, (F)ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga.
19 (G)At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya.
20 At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos:
21 (H)Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang (I)bukid na itinalaga: (J)ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote.
22 At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, (K)na hindi sa bukid na kaniyang pagaari;
23 (L)Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon.
24 (M)Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pagaari ng lupa.
25 At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera (N)ang isang siklo.
26 (O)Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.
27 At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga (P)at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28 (Q)Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pagaari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.
29 (R)Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala.
Batas tungkol sa mga buwis.
30 (S)At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.
31 (T)At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.
32 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, (U)anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.
33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, (V)ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos.
34 (W)Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises, (X)sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel.
Footnotes
- Levitico 27:3 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa ating kuwalta.
- Levitico 27:16 Ang isang omer ay katimbang ng 300 litro o 4 na kaban.
- Levitico 27:16 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa kuwalta natin.
Leviticus 27
New International Version
Redeeming What Is the Lord’s
27 The Lord said to Moses, 2 “Speak to the Israelites and say to them: ‘If anyone makes a special vow(A) to dedicate a person to the Lord by giving the equivalent value, 3 set the value of a male between the ages of twenty and sixty at fifty shekels[a] of silver, according to the sanctuary shekel[b];(B) 4 for a female, set her value at thirty shekels[c]; 5 for a person between the ages of five and twenty, set the value of a male at twenty shekels[d](C) and of a female at ten shekels[e]; 6 for a person between one month and five years, set the value of a male at five shekels[f](D) of silver and that of a female at three shekels[g] of silver; 7 for a person sixty years old or more, set the value of a male at fifteen shekels[h] and of a female at ten shekels. 8 If anyone making the vow is too poor to pay(E) the specified amount, the person being dedicated is to be presented to the priest, who will set the value(F) according to what the one making the vow can afford.
9 “‘If what they vowed is an animal that is acceptable as an offering to the Lord,(G) such an animal given to the Lord becomes holy.(H) 10 They must not exchange it or substitute a good one for a bad one, or a bad one for a good one;(I) if they should substitute one animal for another, both it and the substitute become holy. 11 If what they vowed is a ceremonially unclean animal(J)—one that is not acceptable as an offering to the Lord—the animal must be presented to the priest, 12 who will judge its quality as good or bad. Whatever value the priest then sets, that is what it will be. 13 If the owner wishes to redeem(K) the animal, a fifth must be added to its value.(L)
14 “‘If anyone dedicates their house as something holy to the Lord, the priest will judge its quality as good or bad. Whatever value the priest then sets, so it will remain. 15 If the one who dedicates their house wishes to redeem it,(M) they must add a fifth to its value, and the house will again become theirs.
16 “‘If anyone dedicates to the Lord part of their family land, its value is to be set according to the amount of seed required for it—fifty shekels of silver to a homer[i] of barley seed. 17 If they dedicate a field during the Year of Jubilee, the value that has been set remains. 18 But if they dedicate a field after the Jubilee,(N) the priest will determine the value according to the number of years that remain(O) until the next Year of Jubilee, and its set value will be reduced. 19 If the one who dedicates the field wishes to redeem it,(P) they must add a fifth to its value, and the field will again become theirs. 20 If, however, they do not redeem the field, or if they have sold it to someone else, it can never be redeemed. 21 When the field is released in the Jubilee,(Q) it will become holy,(R) like a field devoted to the Lord;(S) it will become priestly property.
22 “‘If anyone dedicates to the Lord a field they have bought, which is not part of their family land, 23 the priest will determine its value up to the Year of Jubilee,(T) and the owner must pay its value on that day as something holy to the Lord. 24 In the Year of Jubilee the field will revert to the person from whom it was bought,(U) the one whose land it was. 25 Every value is to be set according to the sanctuary shekel,(V) twenty gerahs(W) to the shekel.
26 “‘No one, however, may dedicate the firstborn of an animal, since the firstborn already belongs to the Lord;(X) whether an ox[j] or a sheep, it is the Lord’s. 27 If it is one of the unclean animals,(Y) it may be bought back at its set value, adding a fifth of the value to it. If it is not redeemed, it is to be sold at its set value.
28 “‘But nothing that a person owns and devotes[k](Z) to the Lord—whether a human being or an animal or family land—may be sold or redeemed; everything so devoted is most holy(AA) to the Lord.
29 “‘No person devoted to destruction[l] may be ransomed; they are to be put to death.(AB)
30 “‘A tithe(AC) of everything from the land, whether grain from the soil or fruit from the trees, belongs to the Lord; it is holy(AD) to the Lord. 31 Whoever would redeem(AE) any of their tithe must add a fifth of the value(AF) to it. 32 Every tithe of the herd and flock—every tenth animal that passes under the shepherd’s rod(AG)—will be holy to the Lord. 33 No one may pick out the good from the bad or make any substitution.(AH) If anyone does make a substitution, both the animal and its substitute become holy and cannot be redeemed.(AI)’”
34 These are the commands the Lord gave Moses at Mount Sinai(AJ) for the Israelites.(AK)
Footnotes
- Leviticus 27:3 That is, about 1 1/4 pounds or about 575 grams; also in verse 16
- Leviticus 27:3 That is, about 2/5 ounce or about 12 grams; also in verse 25
- Leviticus 27:4 That is, about 12 ounces or about 345 grams
- Leviticus 27:5 That is, about 8 ounces or about 230 grams
- Leviticus 27:5 That is, about 4 ounces or about 115 grams; also in verse 7
- Leviticus 27:6 That is, about 2 ounces or about 58 grams
- Leviticus 27:6 That is, about 1 1/4 ounces or about 35 grams
- Leviticus 27:7 That is, about 6 ounces or about 175 grams
- Leviticus 27:16 That is, probably about 300 pounds or about 135 kilograms
- Leviticus 27:26 The Hebrew word can refer to either male or female.
- Leviticus 27:28 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord.
- Leviticus 27:29 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
Leviticus 27
King James Version
27 And the Lord spake unto Moses, saying,
2 Speak unto the children of Israel, and say unto them, When a man shall make a singular vow, the persons shall be for the Lord by thy estimation.
3 And thy estimation shall be of the male from twenty years old even unto sixty years old, even thy estimation shall be fifty shekels of silver, after the shekel of the sanctuary.
4 And if it be a female, then thy estimation shall be thirty shekels.
5 And if it be from five years old even unto twenty years old, then thy estimation shall be of the male twenty shekels, and for the female ten shekels.
6 And if it be from a month old even unto five years old, then thy estimation shall be of the male five shekels of silver, and for the female thy estimation shall be three shekels of silver.
7 And if it be from sixty years old and above; if it be a male, then thy estimation shall be fifteen shekels, and for the female ten shekels.
8 But if he be poorer than thy estimation, then he shall present himself before the priest, and the priest shall value him; according to his ability that vowed shall the priest value him.
9 And if it be a beast, whereof men bring an offering unto the Lord, all that any man giveth of such unto the Lord shall be holy.
10 He shall not alter it, nor change it, a good for a bad, or a bad for a good: and if he shall at all change beast for beast, then it and the exchange thereof shall be holy.
11 And if it be any unclean beast, of which they do not offer a sacrifice unto the Lord, then he shall present the beast before the priest:
12 And the priest shall value it, whether it be good or bad: as thou valuest it, who art the priest, so shall it be.
13 But if he will at all redeem it, then he shall add a fifth part thereof unto thy estimation.
14 And when a man shall sanctify his house to be holy unto the Lord, then the priest shall estimate it, whether it be good or bad: as the priest shall estimate it, so shall it stand.
15 And if he that sanctified it will redeem his house, then he shall add the fifth part of the money of thy estimation unto it, and it shall be his.
16 And if a man shall sanctify unto the Lord some part of a field of his possession, then thy estimation shall be according to the seed thereof: an homer of barley seed shall be valued at fifty shekels of silver.
17 If he sanctify his field from the year of jubile, according to thy estimation it shall stand.
18 But if he sanctify his field after the jubile, then the priest shall reckon unto him the money according to the years that remain, even unto the year of the jubile, and it shall be abated from thy estimation.
19 And if he that sanctified the field will in any wise redeem it, then he shall add the fifth part of the money of thy estimation unto it, and it shall be assured to him.
20 And if he will not redeem the field, or if he have sold the field to another man, it shall not be redeemed any more.
21 But the field, when it goeth out in the jubile, shall be holy unto the Lord, as a field devoted; the possession thereof shall be the priest's.
22 And if a man sanctify unto the Lord a field which he hath bought, which is not of the fields of his possession;
23 Then the priest shall reckon unto him the worth of thy estimation, even unto the year of the jubile: and he shall give thine estimation in that day, as a holy thing unto the Lord.
24 In the year of the jubile the field shall return unto him of whom it was bought, even to him to whom the possession of the land did belong.
25 And all thy estimations shall be according to the shekel of the sanctuary: twenty gerahs shall be the shekel.
26 Only the firstling of the beasts, which should be the Lord's firstling, no man shall sanctify it; whether it be ox, or sheep: it is the Lord's.
27 And if it be of an unclean beast, then he shall redeem it according to thine estimation, and shall add a fifth part of it thereto: or if it be not redeemed, then it shall be sold according to thy estimation.
28 Notwithstanding no devoted thing, that a man shall devote unto the Lord of all that he hath, both of man and beast, and of the field of his possession, shall be sold or redeemed: every devoted thing is most holy unto the Lord.
29 None devoted, which shall be devoted of men, shall be redeemed; but shall surely be put to death.
30 And all the tithe of the land, whether of the seed of the land, or of the fruit of the tree, is the Lord's: it is holy unto the Lord.
31 And if a man will at all redeem ought of his tithes, he shall add thereto the fifth part thereof.
32 And concerning the tithe of the herd, or of the flock, even of whatsoever passeth under the rod, the tenth shall be holy unto the Lord.
33 He shall not search whether it be good or bad, neither shall he change it: and if he change it at all, then both it and the change thereof shall be holy; it shall not be redeemed.
34 These are the commandments, which the Lord commanded Moses for the children of Israel in mount Sinai.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

