Add parallel Print Page Options

15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kanyang bahay, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga roon, at ito ay magiging kanya.

16 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kanyang minana, ang iyong paghahalaga ay ayon sa binhi nito; isang omer[a] na binhi ng sebada sa halagang limampung siklong pilak.[b]

17 Kung itatalaga niya ang kanyang bukid mula sa taon ng pagdiriwang, ito ay magiging ayon sa iyong inihalaga.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 27:16 Ang isang omer ay katimbang ng 300 litro o 4 na kaban.
  2. Levitico 27:16 Ang isang siklo ay halos katumbas ng 15 gramo ng pilak nang panahong iyon.