Font Size
Levitico 26:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 26:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 “Maghahari ang kapayapaan sa buong lupain at walang gagambala sa inyo. Palalayasin ko ang mababangis na hayop at wala nang dirigma sa inyo. 7 Matatakot sa inyo ang inyong mga kaaway at malulupig ninyo sila sa labanan. 8 Sapat na ang lima sa inyo upang talunin ang sandaang kaaway at ang sandaan para sa sampung libong kaaway. Malulupig ninyo ang inyong mga kalaban.
Read full chapter