Add parallel Print Page Options

42 (A)Ay aalalahanin ko nga ang aking tipan kay Jacob; at ang akin ding tipan kay Isaac, at gayon din ang aking tipan kay Abraham ay aking aalalahanin; at aking aalalahanin ang lupain.

43 (B)Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: (C)sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan.

44 At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay (D)hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, (E)at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:

Read full chapter