Add parallel Print Page Options

Ang Habag ay Ipinangako sa Mapagtiis

40 “Subalit kung ipahahayag nila ang kanilang kasamaan at ang kasamaan ng kanilang mga ninuno, sapagkat sila'y nagtaksil laban sa akin, at sapagkat sila'y lumakad ng laban sa akin,

41 kaya't ako'y naging laban sa kanila, at sila'y aking dinala sa lupain ng kanilang mga kaaway; subalit kung magpapakumbaba ang kanilang mga pusong hindi tuli, at magbayad sa kanilang kasamaan;

42 ay(A) aalalahanin ko ang aking tipan kay Jacob, at akin ding aalalahanin ang aking tipan kay Isaac, at aalalahanin ko rin ang aking tipan kay Abraham, at aking aalalahanin ang lupain.

Read full chapter