Add parallel Print Page Options

(A)Ay maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan, (B)at ang lupain ay pakikinabangan, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga.

At ang inyong (C)paggiik ay aabot hanggang sa pagaani ng mga ubas, at ang pagaani ng ubas ay aabot sa paghahasik: (D)at kakanin ninyo ang inyong pagkain na sagana, at tatahan kayong tiwasay sa inyong lupain.

(E)At magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain, at mahihiga kayo, (F)at walang katatakutan kayo: (G)at aking papawiin sa lupain ang mababangis na hayop, (H)ni hindi dadaanan ang inyong lupain sa tabak.

Read full chapter