Add parallel Print Page Options

Parusa sa Pagsuway(A)

14 “Ngunit(B) kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi tutuparin ang lahat ng mga utos na ito,

15 at kung inyong tatanggihan ang aking mga batas, at kasusuklaman ang aking mga hatol, at hindi ninyo tutuparin ang lahat ng aking mga utos, kundi inyong sisirain ang aking tipan;

16 ay gagawin ko naman ito sa inyo: Ilalagay ko sa gitna ninyo ang sindak, ang nag-aapoy na lagnat na sisira sa mga mata at unti-unting kikitil ng buhay. At maghahasik kayo ng inyong binhi na walang kabuluhan, sapagkat kakainin iyon ng inyong mga kaaway.

Read full chapter