Add parallel Print Page Options

20 At aalugin ng saserdote pati ng tinapay ng mga unang bunga, na (A)pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon, na kalakip ng dalawang kordero: (B)ang mga tinapay ay magiging itinalaga sa Panginoon na ukol sa saserdote.

21 At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi.

22 (C)At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.

Read full chapter