Levitico 22
Ang Biblia, 2001
Ang Kabanalan ng mga Handog
22 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na sila'y magsilayo sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na kanilang itinalaga sa akin upang huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: Ako ang Panginoon.
3 Sabihin mo sa kanila, ‘Sinuman sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong salinlahi na lumapit sa mga banal na bagay na itinalaga ng mga anak ni Israel sa Panginoon na nasa kalagayang marumi, ang taong iyon ay ititiwalag sa aking harapan: Ako ang Panginoon.
4 Sinuman sa binhi ni Aaron na may ketong o may tulo ay hindi kakain ng mga banal na bagay hanggang siya'y maging malinis. At ang humipo ng alinmang bagay na marumi dahil sa patay, o lalaking nilabasan ng binhi nito,
5 o sinumang humipo ng anumang gumagapang na makakapagparumi sa kanya o humipo sa lalaking makakapagparumi sa kanya, sa pamamagitan ng alinman sa kanyang karumihan,
6 ang tao na humipo sa gayon ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Huwag siyang kakain ng mga banal na bagay, kundi paliliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
7 Pagkalubog ng araw, siya ay magiging malinis at pagkatapos ay makakakain na siya ng mga banal na bagay, sapagkat iyon ay kanyang pagkain.
8 Hindi niya kakainin ang anumang kusang namatay o nilapa ng hayop, sapagkat marurumihan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan nito: Ako ang Panginoon.’
9 Kaya't tutuparin nila ang aking bilin, at hindi nila iyon ipagkakasala, upang sila ay huwag mamatay kapag kanilang nilapastangan ito: Ako ang Panginoon na nagpapabanal sa kanila.
10 “Ang isang taga-ibang bayan ay huwag kakain ng mga banal na bagay; sinumang manunuluyan sa pari, o aliping upahan niya ay huwag kakain ng banal na bagay.
11 Ngunit kung ang pari ay bumili ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang salapi, siya ay makakakain din nito; gayundin ang ipinanganak sa kanyang bahay ay makakakain ng kanyang tinapay.
12 Kung ang isang anak na babae ng pari ay mag-asawa sa isang dayuhan, ang babae ay hindi makakakain ng handog ng mga banal na bagay.
13 Subalit kung ang anak na babae ng pari ay balo o hiwalay sa asawa at walang anak at bumalik sa bahay ng kanyang ama na gaya rin nang kanyang kabataan, siya ay makakakain ng tinapay ng kanyang ama, ngunit ang sinumang dayuhan ay hindi makakakain niyon.
14 At kung ang sinumang lalaki ay magkamaling kumain ng banal na bagay, iyon ay kanyang daragdagan ng ikalimang bahagi at ibibigay iyon sa pari kasama ng banal na bagay.
15 Huwag lalapastanganin ng mga pari ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na kanilang inihahandog sa Panginoon;
16 sapagkat iyon ay magbubunga ng pagpasan nila ng kasamaan at pagkakasala sa pamamagitan ng pagkain ng kanilang mga banal na bagay; sapagkat ako ang Panginoon na nagpapabanal sa kanila.”
17 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
18 “Sabihin mo kay Aaron, sa kanyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel: Sinuman sa sambahayan ni Israel o sa mga dayuhan sa Israel, na maghahandog ng kanyang alay, maging kabayaran sa isang panata o bilang inialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog,
19 upang tanggapin, ang inyong ihahandog ay isang lalaki na walang kapintasan, mula sa mga toro, sa mga tupa, o sa mga kambing.
20 Huwag(A) ninyong ihahandog ang anumang may kapintasan, sapagkat ito ay hindi tatanggapin para sa inyo.
21 At kapag ang isang tao ay naghandog sa Panginoon ng handog pangkapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang-loob na handog mula sa bakahan o sa kawan, ito ay kailangang sakdal upang matanggap; ito ay kailangang walang kapintasan.
22 Ang bulag, may bali, may kapansanan, may tulo, may pangangati, o may galis, ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon, ni gagawin ang mga ito bilang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.
23 Ang toro o tupa na may bahaging napakahaba o napakaikli ay maaari mong ialay bilang kusang-loob na handog, subalit hindi matatanggap para sa isang panata.
24 Anumang hayop na nasira ang kasarian, nadurog, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon, o iaalay sa loob ng inyong lupain.
25 Huwag ninyong ihahandog bilang pagkain ng inyong Diyos ang anumang gayong hayop na nakuha mula sa isang dayuhan, yamang ang mga ito ay may kapintasan dahil sa kanilang kapansanan; hindi iyon tatanggapin para sa inyo.”
26 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
27 “Kapag ipinanganak ang isang baka, tupa, o kambing, ito ay mananatili sa kanyang ina sa loob ng pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ito ay tatanggapin bilang alay, handog na pinaraan sa apoy para sa Panginoon;
28 subalit huwag ninyong papatayin sa gayon ding araw ang baka, o tupa at ang kanyang anak.
29 Kapag kayo'y maghahandog ng handog na pasasalamat sa Panginoon, iaalay ninyo ito upang kayo ay tanggapin;
30 at ito ay kakainin sa araw ding iyon, huwag kayong magtitira ng anuman hanggang sa umaga: Ako ang Panginoon.
31 “Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tuparin ang mga iyon: Ako ang Panginoon.
32 Huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; kundi ako'y pakakabanalin sa bayan ng Israel; ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo,
33 na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ako'y maging inyong Diyos: Ako ang Panginoon.”
Leviticus 22
New King James Version
The Holiness of the Offerings
22 Then the Lord spoke to Moses, saying, 2 “Speak to Aaron and his sons, that they (A)separate[a] themselves from the holy things of the children of Israel, and that they (B)do not profane My holy name by what they (C)dedicate to Me: I am the Lord. 3 Say to them: ‘Whoever of all your descendants throughout your generations, who goes near the holy things which the children of Israel dedicate to the Lord, (D)while he has [b]uncleanness upon him, that person shall be cut off from My presence: I am the Lord.
4 ‘Whatever man of the descendants of Aaron, who is a (E)leper or has (F)a discharge, shall not eat the holy offerings (G)until he is clean. And (H)whoever touches anything made unclean by a corpse, or (I)a man who has had an emission of semen, 5 or (J)whoever touches any creeping thing by which he would be made unclean, or (K)any person by whom he would become unclean, whatever his uncleanness may be— 6 the person who has touched any such thing shall be unclean until evening, and shall not eat the holy offerings unless he (L)washes his body with water. 7 And when the sun goes down he shall be clean; and afterward he may eat the holy offerings, because (M)it is his food. 8 (N)Whatever dies naturally or is torn by beasts he shall not eat, to defile himself with it: I am the Lord.
9 ‘They shall therefore keep (O)My [c]ordinance, (P)lest they bear sin for it and die thereby, if they profane it: I the Lord sanctify them.
10 (Q)‘No outsider shall eat the holy offering; one who [d]dwells with the priest, or a hired servant, shall not eat the holy thing. 11 But if the priest (R)buys a person with his money, he may eat it; and one who is born in his house may eat his food. 12 If the priest’s daughter is married to an outsider, she may not eat of the holy offerings. 13 But if the priest’s daughter is a widow or divorced, and has no child, and has returned to her father’s house as in her youth, she may eat her father’s food; but no outsider shall eat it.
14 ‘And if a man eats the holy offering unintentionally, then he shall restore a holy offering to the priest, and add one-fifth to it. 15 They shall not profane the (S)holy offerings of the children of Israel, which they offer to the Lord, 16 or allow them to bear the guilt of trespass when they eat their holy offerings; for I the Lord sanctify them.’ ”
Offerings Accepted and Not Accepted
17 And the Lord spoke to Moses, saying, 18 “Speak to Aaron and his sons, and to all the children of Israel, and say to them: (T)‘Whatever man of the house of Israel, or of the strangers in Israel, who [e]offers his sacrifice for any of his vows or for any of his freewill offerings, which they offer to the Lord as a burnt offering— 19 (U)you shall offer of your own free will a male without blemish from the cattle, from the sheep, or from the goats. 20 (V)Whatever has a defect, you shall not offer, for it shall not be acceptable on your behalf. 21 And (W)whoever offers a sacrifice of a peace offering to the Lord, (X)to fulfill his vow, or a freewill offering from the cattle or the sheep, it must be perfect to be accepted; there shall be no defect in it. 22 (Y)Those that are blind or broken or maimed, or have an [f]ulcer or eczema or scabs, you shall not offer to the Lord, nor make (Z)an offering by fire of them on the altar to the Lord. 23 Either a bull or a lamb that has any limb (AA)too long or too short you may offer as a freewill offering, but for a vow it shall not be accepted.
24 ‘You shall not offer to the Lord what is bruised or crushed, or torn or cut; nor shall you make any offering of them in your land. 25 Nor (AB)from a foreigner’s hand shall you offer any of these as (AC)the bread of your God, because their (AD)corruption is in them, and defects are in them. They shall not be accepted on your behalf.’ ”
26 And the Lord spoke to Moses, saying: 27 (AE)“When a bull or a sheep or a goat is born, it shall be seven days with its mother; and from the eighth day and thereafter it shall be accepted as an offering made by fire to the Lord. 28 Whether it is a cow or ewe, do not kill both her (AF)and her young on the same day. 29 And when you (AG)offer a sacrifice of thanksgiving to the Lord, offer it of your own free will. 30 On the same day it shall be eaten; you shall leave (AH)none of it until morning: I am the Lord.
31 (AI)“Therefore you shall keep My commandments, and perform them: I am the Lord. 32 (AJ)You shall not profane My holy name, but (AK)I will be [g]hallowed among the children of Israel. I am the Lord who (AL)sanctifies you, 33 (AM)who brought you out of the land of Egypt, to be your God: I am the Lord.”
Footnotes
- Leviticus 22:2 keep themselves apart from
- Leviticus 22:3 defilement
- Leviticus 22:9 charge
- Leviticus 22:10 As a visitor
- Leviticus 22:18 brings his offering
- Leviticus 22:22 running sore
- Leviticus 22:32 treated as holy
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

