Font Size
Levitico 20:12-14
Ang Biblia (1978)
Levitico 20:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)At kung ang isang lalake ay sumiping sa kaniyang manugang, ay kapuwa sila papatayin; (B)sila'y gumawa ng kahalayhalay; mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
13 (C)At kung ang isang lalake ay sumiping sa kapuwa lalake, na gaya ng pagsiping sa babae: ay kapuwa sila nagkasala ng karumaldumal: sila'y papatayin na walang pagsala: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
14 (D)At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina, ay kasamaan; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978