Add parallel Print Page Options

At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:

At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:

At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.

At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis.

Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina.

At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo.

At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana.

At kukuha ang saserdote ng handog na harina, na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

10 At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

11 Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.

12 Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy.

13 At titimplahan mo ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang sa iyong handog na harina ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.

14 At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinakahandog na harina ng iyong pangunang bunga ay sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi.

15 At bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina.

16 At susunugin ng saserdote na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Handog ng Pagpaparangal sa Panginoon

Kapag may nag-aalay ng handog ng pagpaparangal[a] sa Panginoon, gagamitin niya ang magandang klaseng harina, at lalagyan niya ng langis[b] at insenso. Dadalhin niya ito sa mga paring mula sa angkan ni Aaron. Kukuha ang pari ng isang dakot na pinagsama-samang harina at langis, at susunugin niya ito sa altar kasama na ang insenso na inilagay sa harina. Susunugin niya ito na pinakaalaala sa Panginoon.[c] Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy[d] ay makalulugod sa Panginoon. Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Kapag may naghahandog ng tinapay na niluto sa hurno para parangalan ang Panginoon, kailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at hindi nilagyan ng pampaalsa. Maaaring maghandog ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis o ang manipis na tinapay na pinahiran ng langis.

Kung ang tinapay na ihahandog ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at may halong langis, pero walang pampaalsa. Pipira-pirasuhin ito at lalagyan ng langis. Itoʼy handog ng pagpaparangal.

Kung ang tinapay na ihahandog ay niluto sa kawali, kinakailangang gawa ito sa magandang klaseng harina at nilagyan ng langis.

Ang ganitong uri ng mga handog ay dadalhin sa pari para ihandog sa Panginoon doon sa altar. Babawasan ito ng pari at ang ibinawas na iyon ay susunugin niya sa altar na pinakaalaala sa Panginoon. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon. 10 Ang natirang harina ay para kay Aaron at sa kanyang angkan, at ito ang pinakabanal na bahagi na mula sa handog sa pamamagitan ng apoy na inihandog para sa Panginoon.

11 Huwag kayong mag-alay ng mga handog na may pampaalsa bilang handog ng pagpaparangal sa Panginoon, dahil hindi kayo dapat magsunog ng mga pampaalsa o pulot sa inyong paghahandog sa Panginoon ng handog sa pamamagitan ng apoy. 12 Maaari ninyong ihandog ang pampaalsa o pulot bilang handog mula sa una ninyong ani,[e] pero huwag ninyong susunugin sa altar. 13 Lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog ng pagpaparangal, dahil ang asin ay tanda ng inyong walang hanggang kasunduan sa Panginoon. Kaya lagyan ninyo ng asin ang lahat ng inyong handog.

14 Kapag maghahandog kayo mula sa una ninyong ani para parangalan ang Panginoon, maghandog kayo ng mga giniling na butil[f] na binusa. 15 Lagyan ninyo ito ng langis at insenso. Itoʼy handog ng pagpaparangal. 16 At mula sa handog na itoʼy kukuha ang pari ng giniling na butil na nilagyan ng langis at insenso at susunugin na pinakaalaala sa Panginoon. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.

Footnotes

  1. 2:1 handog ng pagpaparangal: sa ibang salin, handog na pagkain. Ganito rin sa talatang 9.
  2. 2:1 langis: Ito ay nagmula sa bunga ng puno ng olibo.
  3. 2:2 pinakaalaala sa Panginoon: Pag-alala na siya ang nagbibigay ng pagkain o siyaʼy karapat-dapat na tumanggap ng handog.
  4. 2:2 handog … apoy: Tingnan ang “footnote” sa 1:9.
  5. 2:12 ani: o, bunga.
  6. 2:14 giniling na butil: sa Ingles, “milled grain.”

獻素祭的條例

「如果有人獻素祭給耶和華,要用細麵粉作祭物。要在細麵粉上澆油、加乳香, 帶到祭司——亞倫的子孫那裡。祭司要抓一把澆了油的細麵粉,連同所有乳香,作為象徵放在壇上焚燒。這是蒙耶和華悅納的馨香火祭。 剩下的素祭要歸亞倫及其子孫,這在獻給耶和華的火祭中是至聖的。

「如果獻用爐子烤的素祭,要獻調油的無酵細麵餅,或塗油的無酵薄餅。

「如果獻用平底鍋烤的素祭,要獻調油的無酵細麵餅。 要把餅掰成碎塊,澆上油。這是素祭。

「如果獻用煎鍋煎的素祭,要獻用細麵粉和油做的祭物。

「要把做好的素祭帶到耶和華面前,交給祭司獻在祭壇上。 祭司要從中取出一部分,作為象徵放在祭壇上焚燒。這是蒙耶和華悅納的馨香火祭。 10 剩下的素祭要歸亞倫及其子孫。在獻給耶和華的火祭中,這是至聖之物。

11 「獻給耶和華的任何素祭都不可含酵,因為你們不可把酵或蜜當作火祭獻給耶和華。 12 你們可以把酵和蜜作為初熟之祭獻給耶和華,但不可作為馨香之祭燒在祭壇上。 13 所有素祭中都要放鹽,藉此提醒你們與上帝所立的約。所有祭物中都要放鹽。

14 「如果將初熟的穀物獻給耶和華作素祭,要用烘好後壓碎的新麥穗, 15 加上油和乳香。這是素祭。 16 祭司要將一些壓碎的麥穗、油及所有乳香作為象徵焚燒。這是獻給耶和華的火祭。」