Add parallel Print Page Options

19 “Tutuparin(A) ninyo ang aking mga tuntunin. Huwag mong palalahian ang iyong mga hayop sa ibang uri; huwag mong hahasikan ang iyong bukid ng magkaibang binhi; ni huwag kang magsusuot ng damit na hinabi mula sa dalawang magkaibang uri ng hibla.

20 “Kung ang isang lalaki ay sumiping sa isang aliping babae na nakatakdang ipakasal sa isang lalaki, at hindi pa natutubos ang babae, o hindi pa nabibigyan ng kalayaan, ay dapat magkaroon ng pagsisiyasat. Hindi sila papatayin yamang siya'y hindi pa malaya.

21 Ngunit magdadala ang lalaki ng kanyang handog na tupang lalaki para sa Panginoon sa pintuan ng toldang tipanan para sa budhing maysala.

Read full chapter