Levitico 18:3
Ang Biblia (1978)
3 (A)Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan: (B)at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo: ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila.
Read full chapter
Levitico 18:26
Ang Biblia (1978)
26 Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo:
Read full chapter
Levitico 18:30
Ang Biblia (1978)
30 Kaya ingatan ninyo ang aking bilin, (A)na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo, at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Read full chapter
2 Mga Hari 17:15
Ang Biblia (1978)
15 At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa (A)walang kabuluhan, at (B)naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978