Add parallel Print Page Options

12 (A)At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot (B)ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

13 (C)At ilalagay niya ang kamangyan sa ibabaw ng apoy sa harap ng Panginoon, upang ang mga usok ng kamangyan ay tumakip sa luklukan ng awa na (D)nasa ibabaw ng kaban ng patoo, upang huwag siyang mamatay:

14 (E)At siya'y kukuha ng dugo ng toro at iwiwisik ng kaniyang daliri sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa dakong silanganan: at sa harap ng luklukan ng awa ay iwiwisik niyang makapito ng kaniyang daliri ang dugo.

Read full chapter