Add parallel Print Page Options

Bawa't higaang mahigan ng inaagasan ay magiging karumaldumal: at bawa't bagay na kaniyang kaupuan, ay magiging karumaldumal.

At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, (A)at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At ang maupo sa anomang bagay na kaupuan ng inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At ang humipo ng laman niyaong inaagasan ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At kung ang inaagasan ay makalura sa taong malinis, ay maglalaba nga siya ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

At alin mang siya na kasakyan ng inaagasan, ay magiging karumaldumal.

10 At ang alin mang taong humipo ng alinmang bagay na napalagay sa ilalim niyaon, ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon: at ang magdala ng mga bagay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga damit at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.

Read full chapter