Font Size
Levitico 15:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 15:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 “Sabihin ninyo ito sa bayang Israel: Ang sinumang lalaking may tulo ay ituturing na marumi. 3 At ito ang susundin niyang tuntunin malalâ man o hindi ang kanyang sakit, sapagkat siya'y itinuturing na marumi. 4 Ang alinmang higaan at upuang gamitin niya ay ituturing na marumi.
Read full chapter