Levitico 14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Paglilinis Matapos Gumaling sa Sakit sa Balat
14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Ganito(A) naman ang tuntunin sa paglilinis ng taong may sakit sa balat na parang ketong. Sa araw na siya'y lilinisin, haharap siya sa pari 3 sa labas ng kampo at susuriin. Kung magaling na ang maysakit, 4 magpapakuha ang pari ng dalawang ibong buháy at malinis, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo. 5 Ipapapatay sa kanya ng pari ang isang ibon sa tapat ng isang bangang may tubig na galing sa bukal. 6 Itutubog niya sa dugo nito ang ibong buháy, ang kahoy na sedar, ang pulang lana at ang hisopo. 7 Ang dugo ay iwiwisik nang pitong beses sa taong may sakit sa balat at ipahahayag siya ng pari bilang malinis. Pagkatapos, paliliparin niya sa kabukiran ang ibong buháy. 8 Lalabhan ng nagkasakit ang kanyang damit, siya'y magpapakalbo at maliligo, sa gayon, ituturing na siyang malinis. Pahihintulutan na siyang makapasok sa kampo ngunit mananatili pang pitong araw sa labas ng kanyang tolda. 9 At sa ikapitong araw, aahitin niyang muli ang lahat ng buhok niya sa ulo, ang kanyang balbas at kilay at lahat ng balahibo sa katawan. Lalabhan niya ang kanyang damit at siya'y maliligo; sa gayon, magiging malinis siya.
10 “Sa ikawalong araw, magdadala siya ng tatlong tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan; dalawa nito'y lalaki. Magdadala rin siya ng isa't kalahating salop ng mainam na harina na may halong langis at 1/3 litrong langis bilang handog na pagkaing butil. 11 Dala ang kanyang handog, isasama siya ng pari sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 12 Itataas ng pari sa harapan ni Yahweh ang isang lalaking tupa at ang 1/3 litrong langis bilang natatanging handog na pambayad sa kasalanan. 13 Papatayin ang tupa doon sa lugar na pinagpapatayan ng mga handog para sa kapatawaran ng kasalanan at handog na susunugin sa loob ng lugar na banal. Ang handog na pambayad sa kasalanan, tulad ng handog para sa kapatawaran ng kasalanan, ay para sa pari at napakabanal. 14 Kukuha ang pari ng dugo ng handog na pambayad sa kasalanan at papahiran niya ang lambi ng kanang tainga at ang hinlalaki ng kanang kamay at paa ng taong nililinis. 15 Pagkatapos, kukunin ng pari ang langis at magbubuhos ng kaunti sa kanyang kaliwang palad. 16 Isasawsaw niya rito ang isang daliri sa kanyang kanang kamay at pitong beses niyang wiwisikan ang harap ng altar. 17 Kukuha pa siya ng kaunting langis sa kanyang palad at kaunting dugo mula sa handog na pambayad sa kasalanan at ipapahid niya ito sa lambi ng tainga at sa hinlalaki ng kamay at paa ng taong nililinis. 18 Ang natirang langis sa kanyang palad ay ipapahid niya sa ulo ng taong nililinis bilang handog kay Yahweh para sa kapatawaran ng kasalanan.
19 “Iaalay ng pari ang handog para sa kapatawaran ng kasalanan at sa pamamagitan nito'y tutubusin ang taong nililinis. Pagkatapos, papatayin niya ang handog na susunugin 20 at ihahandog niya ito sa altar kasama ng handog na pagkaing butil. Sa gayon, matutubos ang taong iyon at magiging malinis.
21 “Kung dukha ang taong maghahandog, mag-aalay siya ng isang tupang lalaki bilang natatanging handog na pambayad sa kasalanan, kalahating salop ng harinang may halong langis bilang handog na pagkaing butil at 1/3 litrong langis. 22 Mag-aalay rin siya ng dalawang batu-bato o kalapati, ayon sa kanyang kaya; ang isa'y handog para sa kasalanan at handog na susunugin naman ang isa. 23 Pagdating ng ikawalong araw, dadalhin niya ang kanyang mga handog sa harapan ni Yahweh sa may pintuan ng Toldang Tipanan. 24 Kukunin at itataas ng pari sa harapan ni Yahweh ang tupang lalaki at ang 1/3 litrong langis bilang handog na pambayad sa kasalanan. 25 Ang tupa'y papatayin ng pari, kukuha siya ng dugo nito at ipapahid sa lambi ng kanang tainga at hinlalaki ng kanang kamay at paa ng maghahandog. 26 Magbubuhos ang pari ng kaunting langis sa kaliwang palad niya, 27 isasawsaw ang isang daliri sa kanyang kanang kamay at pitong beses niyang wiwisikan ang harap ng altar. 28 Papahiran din niya ng kaunting langis ang lambi ng kanang tainga at ang hinlalaki ng kanang kamay at paa ng taong gumaling sa sakit, doon sa mismong bahaging pinahiran ng dugong galing sa handog na pambayad sa kasalanan. 29 Ang natirang langis sa kanyang palad ay ipapahid niya sa ulo ng taong iyon bilang pantubos sa kanya sa harapan ni Yahweh. 30 Ihahandog din niya ang dalawang batu-bato o kalapati na kanyang nakayanan; 31 ang isa nito'y para sa kasalanan at ang isa naman ay para sa handog na susunugin kasama ang handog na pagkaing butil. Ito ang gagawin ng pari upang linisin ang nagkasakit. 32 Ganito ang tuntunin na dapat sundin para sa taong may sakit sa balat na parang ketong at hindi kayang maghandog ng ukol dito.”
Ang Paglilinis ng Amag na Kumakalat sa Bahay
33 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron: 34 “Pagdating ninyo sa Canaan, sa lupaing ibibigay ko sa inyo, at magkaroon ng amag[a] na kumakalat ang bahay na tinitirhan ninyo, 35 kailangang ipagbigay-alam agad ito sa pari. 36 Ipapaalis ng pari ang lahat ng kasangkapan doon bago siya magsiyasat; kung hindi, ituturing ding marumi ang mga bagay na naroon. Pagkatapos, papasok na siya upang magsiyasat. 37 Kung makita niyang may mga palatandaang bahid sa mga dingding, maging ang kulay ay berde o pula, 38 lalabas agad siya at pitong araw niyang ipasasara ang bahay na iyon. 39 Babalik siya sa ikapitong araw at kung ang bahid ay humawa sa dingding ng bahay, 40 ipapabakbak niya ang mga batong may bahid at ipapatapon sa labas ng bayan, sa tambakan ng dumi. 41 Ipapabakbak din ang palitada ng loob ng bahay at itatapon sa tambakan ng basura ang lahat ng duming makukuha. 42 Ang mga batong binakbak sa loob ng bahay ay papalitan ng bago at papalitadahan nang panibago ang loob ng bahay.
43 “Kung ang amag ay lumitaw na muli sa bahay matapos gawin ang lahat ng ito, 44 magsisiyasat muli ang pari. Kung ang amag ay kumalat, ipahahayag na niyang marumi ang bahay na iyon. 45 Ipasisira na niya ito nang lubusan at ipatatambak sa labas ng bayan sa tapunan ng basura. 46 Ang sinumang pumasok sa tahanang iyon habang nakasara ay ituturing na marumi hanggang gabi. 47 Ang sinumang kumain o matulog doon ay dapat magbihis at maglaba ng damit na kanyang sinuot.
48 “Kung makita ng pari na hindi naman kumakalat ang amag pagkatapos palitadahang muli ang bahay, ipahahayag niyang ito'y malinis na. 49 Upang lubos itong luminis, kukuha ang pari ng dalawang ibon, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo. 50 Papatayin niya ang isa sa mga ibon at ang dugo nito'y patutuluin sa isang bangang may tubig na galing sa bukal. 51 Ang kapirasong sedar, ang pulang lana, ang hisopo at ang buháy na ibon ay itutubog niya sa banga. Pagkatapos, wiwisikan niya ng pitong beses ang bahay. 52 Sa gayon, magiging malinis na ito. 53 Pakakawalan naman niya sa kaparangan ang buháy na ibon. Sa gayon, matutubos ang bahay at muling ituturing na malinis.”
54 Ito ang mga tuntunin tungkol sa sakit sa balat na parang ketong at pangangati: 55 sa amag sa damit o sa bahay, at 56 sa namamaga o anumang tumutubong sugat. 57 Ito ang mga tuntunin upang malaman kung ang isang tao o bagay ay malinis o marumi.
Footnotes
- 34 AMAG: Sa wikang Hebreo, ang katumbas na salita ay tumutukoy sa maraming uri ng sakit sa balat na parang ketong.
利未记 14
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
麻风病患者的洁净条例
14 耶和华对摩西说: 2 “以下是有关麻风病患者的洁净条例。
“麻风病患者痊愈后,要通知祭司。 3 祭司要到营外去检查,如果发现他的病已痊愈, 4 要吩咐人为他拿来两只洁净的鸟、香柏木、朱红色线和牛膝草。 5 祭司要吩咐人在一个盛清水的陶器上宰杀一只鸟, 6 然后祭司要把另一只鸟,连同香柏木、朱红色线和牛膝草一起蘸在掺了清水的鸟血里。 7 祭司要用鸟血在他身上洒七次,宣布他是洁净的,然后放走那只活鸟,让它飞向田野。 8 他要洗净衣服,剃去所有毛发,沐浴之后便洁净了,可以回到营内,但要住在自己的帐篷外七天。 9 第七天,他要再次剃掉头发、胡须和眉毛等各处毛发,并洗衣、沐浴,之后便洁净了。
10 “第八天,他要带来两只毫无残疾的公羊羔、一只毫无残疾的一岁母羊羔、三公斤作素祭的调油的细面粉和一杯油。 11 主持洁净礼的祭司要把他及其祭物带到会幕门口、耶和华面前, 12 并献上一只公羊羔和一杯油作赎过祭,作为摇祭在耶和华面前摇一摇。 13 他要在杀赎罪祭牲和燔祭牲的圣洁之处宰公羊羔。赎过祭的祭物要归祭司,像赎罪祭一样,这是至圣之物。 14 祭司要拿一些赎过祭祭牲的血抹在求洁净者的右耳垂、右手大拇指和右脚大脚趾上。 15 祭司要拿那杯油,倒一些在自己左手掌中, 16 用一根右手指蘸左手掌里的油,在耶和华面前弹洒七次, 17 然后用手掌中剩下的油抹求洁净者的右耳垂、右手大拇指和右脚大脚趾,就是抹了赎过祭祭牲血的地方。 18 祭司要把手掌里剩下的油抹在求洁净者的头上。这样,祭司在耶和华面前为他赎了罪。 19 祭司要献上赎罪祭,为求洁净者赎罪。然后,祭司要宰杀燔祭牲, 20 在祭坛上献燔祭和素祭,为他赎罪,他就洁净了。
21 “他如果贫穷,献不起那么多祭物,可以献一只公羊羔作赎过祭,用摇祭的方式赎罪;也要献一公斤作素祭的调油的细面粉和一杯油; 22 还要按自己的能力献两只斑鸠或雏鸽,一只作赎罪祭,一只作燔祭。 23 第八天,他必须把这些祭物带到会幕门口,在耶和华面前交给祭司。 24 祭司要用作赎过祭的羊羔和一杯油作摇祭,在耶和华面前摇一摇。 25 接着,祭司要宰杀作赎过祭的羊羔,拿一些羊血抹在他的右耳垂、右手大拇指和右脚大脚趾上。 26 祭司也要把一些油倒在自己左手掌中, 27 用一根右手指蘸左手掌中的油,在耶和华面前弹洒七次, 28 然后把手掌中的一些油抹在他的右耳垂、右手大拇指和右脚大脚趾上,就是抹了赎过祭祭牲血的地方。 29 祭司要把手掌里剩下的油抹在他头上,在耶和华面前为他赎罪。 30 然后献上那人按自己能力带来的两只斑鸠或雏鸽, 31 一只作赎罪祭,一只作燔祭。这样,祭司在耶和华面前为他赎了罪。 32 这是献不起洁净礼所需祭物的麻风病患者应当遵守的条例。”
处理房子发霉的条例
33 耶和华对摩西和亚伦说:
34 “你们到了我赐给你们作产业的迦南以后,如果我使那里的房屋中有发霉现象, 35 屋主必须去告诉祭司,‘我的房子里好像有发霉现象。’ 36 祭司进去检查前,要吩咐人把房子腾空,免得房子里的一切都变得不洁净。之后,祭司要进去检查, 37 如发现墙壁上出现红色或绿色霉斑,并且侵入墙中, 38 就要封闭房子七天。 39 第七天,祭司要回去检查。若发现墙壁上的霉斑蔓延, 40 就要下令拆掉有霉斑的石块,丢到城外不洁净的地方, 41 然后命人刮掉屋内墙壁上的灰泥,倒在城外不洁净的地方。 42 要另找石块补被拆掉的地方,并用灰泥重新粉刷房子。
43 “如果拆掉石块、刮掉灰泥、重新粉刷以后,霉斑再度出现并蔓延, 44 祭司要去检查,若发现霉斑已蔓延,那房子就不洁净。 45 房主要拆掉房子,把石块、木料和所有灰泥都丢到城外不洁净的地方。 46 房子封闭期间,任何人进去,都不洁净,要等到傍晚才能洁净。 47 凡在房内睡觉或吃饭的人,都必须洗净衣服。
48 “祭司检查粉刷后的房子,若发现房内没有再度出现霉斑,就要宣布房子是洁净的。 49 为洁净房子,祭司要取两只鸟、香柏木、朱红色线和牛膝草, 50 在一个盛清水的陶器上宰杀一只鸟, 51 然后用香柏木、牛膝草、朱红色线和另一只活鸟蘸掺了清水的鸟血,向房子洒七次。 52 祭司用鸟血、清水、活鸟、香柏木、牛膝草和朱红色线洁净那房子后, 53 要放走那只活鸟,让它飞到城外的田野。这样,祭司为那房子赎了罪,房子就洁净了。”
54 以上是有关麻风病、疥癣、 55 衣物或房子发霉、 56 肿包、皮疹或白斑的条例。 57 根据这些条例,可以分辨有关的人或物何时洁净、何时不洁净。
Levitico 14
Ang Biblia (1978)
Handog sa paglilinis ng ketongin.
14 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong, sa kaarawan ng kaniyang paglilinis, (A)siya'y dadalhin sa saserdote:
3 At ang saserdote ay lalabas sa kampamento; at titingnan ng saserdote, at, narito, kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong;
4 Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin, ng dalawang ibong malinis na buháy, at (B)kahoy na cedro, at (C)grana, at (D)hisopo;
5 At ipaguutos ng saserdote, na patayin ang isa sa mga ibon, sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos.
6 Tungkol sa ibong buháy, ay kaniyang kukunin at ang kahoy na cedro, at ang grana at ang hisopo, at babasain pati ng ibong buháy, sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos:
7 At (E)iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong, (F)at ipakikilalang malinis, at pawawalan ang ibong buháy sa kalawakan ng parang.
8 At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, (G)datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.
9 At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis.
10 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan, at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan, (H)at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina na hinaluan ng langis, at ng isang log[b] na langis.
11 At ihaharap ang taong lilinisin ng saserdoteng naglilinis sa kaniya, at gayon din ang mga bagay na yaon, sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan:
12 At kukuha ang saserdote ng isa sa mga korderong lalake at ihahandog na pinaka handog sa pagkakasala, at ng log ng langis, (I)at aalugin na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon:
13 At papatayin ang korderong lalake (J)sa pinagpapatayan ng handog dahil sa kasalanan at ng handog na susunugin, sa dako ng santuario: sapagka't (K)kung paanong ang handog dahil sa kasalanan ay sa saserdote, gayon din ang handog dahil sa pagkakasala; bagay ngang kabanalbanalan:
14 At ang saserdote ay kukuha sa dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay ng saserdote (L)sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa;
15 At kukuha ang saserdote sa log ng langis, at ibubuhos sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay:
16 At itutubog ng saserdote ang kanang daliri niya sa langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, at magwiwisik siyang makapito ng langis ng kaniyang daliri sa harap ng Panginoon:
17 At sa lumabis sa langis na nasa kaniyang kamay, ay maglalagay ang saserdote sa ibabaw ng pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng dugo ng dahil sa pagkakasala:
18 At ang labis sa langis na nasa kamay ng saserdote, ay ilalagay nito sa ulo niyaong lilinisin: (M)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon.
19 At ihahandog ng saserdote ang handog dahil sa kasalanan, at itutubos sa kaniya, na lilinisin dahil sa kaniyang karumihan; at pagkatapos ay papatayin ang handog na susunugin:
20 At ihahandog ng saserdote ang handog na susunugin at (N)ang handog na harina sa ibabaw ng dambana: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.
21 (O)At kung siya'y dukha at ang kaniyang kaya ay hindi aabot, ay kukuha nga siya ng isang korderong lalake na handog dahil sa pagkakasala, na aalugin upang itubos sa kaniya, at ng ikasampung bahagi ng isang epa na mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinaka handog na harina, at ng isang log ng langis;
22 (P)At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya; at ang isa'y magiging handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin.
23 (Q)At sa ikawalong araw ay kaniyang dadalhin sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan upang gamitin sa kaniyang paglilinis sa harap ng Panginoon.
24 (R)At kukunin ng saserdote ang korderong handog dahil sa pagkakasala at ang log ng langis, at aalugin ng saserdote na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon.
25 At kaniyang papatayin ang korderong handog dahil sa pagkakasala, (S)at kukuha ang saserdote ng dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa:
26 At magbubuhos ang saserdote ng langis sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay:
27 At makapitong magwiwisik ang saserdote ng kaniyang kanang daliri, ng langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, sa harap ng Panginoon:
28 At maglalagay ang saserdote ng langis na nasa kaniyang kamay, sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng pinaglagyan ng dugong handog dahil sa pagkakasala:
29 At ang labis ng langis na nasa kamay ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo niyaong lilinisin, upang itubos sa kaniya sa harap ng Panginoon.
30 At kaniyang ihahandog ang isa sa (T)mga batobato o sa mga inakay ng kalapati, kung alin ang kaniyang kaya;
31 Kung alin ang abutin ng kaniyang kaya, na ang isa'y handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin, pati ng handog na harina: at itutubos ng saserdote doon sa malilinis sa harap ng Panginoon.
32 Ito ang kautusan tungkol sa may salot na ketong, na ang kaniyang kaya ay hindi abot (U)sa nauukol sa kaniyang paglilinis.
33 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
Ang paglilinis ng mga bahay na may sakit.
34 (V)Pagka kayo'y nakapasok na sa lupain ng Canaan, na ibibigay kong pagaari sa inyo, at ako'y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari;
35 Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote, na sasabihin, (W)Tila mandin mayroong parang salot sa bahay:
36 At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa: at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay:
37 At titingnan ang salot, at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde, o namumula at tila malalim kaysa panig;
38 Ay lalabas nga ang saserdote sa bahay hanggang sa pintuan ng bahay at ipasasara ang bahay na pitong araw:
39 At babalik ang saserdote sa ikapitong araw, at titingnan: at, narito, kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay;
40 Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal:
41 At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay, at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal:
42 At magsisikuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong yaon, at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay.
43 At kung muling bumalik ang tila salot, at sumibol sa bahay, pagkatapos na mabunot ang mga bato; at pagkatapos makayas ang bahay, at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa;
44 Ay papasok nga ang saserdote at titingnan, at, narito, kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay (X)ketong na nakakahawa sa bahay; ito'y karumaldumal.
45 At gigibain niya ang bahay na yaon, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng argamasa ng bahay; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal.
46 Bukod dito'y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
47 At ang mahiga sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at ang kumain sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot.
48 At kung papasok ang saserdote, at, narito, kung hindi nga kumalat ang salot sa bahay, pagkatapos na nahaplusan ng argamasa; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis ang bahay, sapagka't gumaling sa salot.
49 At upang linisin ang bahay ay kukuha ng (Y)dalawang ibon, at ng kahoy na cedro, at ng grana, at ng hisopo:
50 At papatayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos:
51 At kukunin niya ang kahoy na cedro, at ang hisopo, at ang grana, at ang ibong buháy, at babasain sa dugo ng ibong pinatay, at sa tubig na umaagos, at wiwisikang makapito ang bahay:
52 At kaniyang lilinisin ng dugo ng ibon ang bahay at ng agos ng tubig, at ng ibong buháy at ng kahoy na cedro, at ng hisopo, at ng grana:
53 Datapuwa't pawawalan ang ibong buháy sa labas ng bayan, sa kalawakan ng parang: gayon tutubusin ang bahay: at magiging malinis.
54 Ito ang kautusan tungkol sa sarisaring salot na ketong (Z)at sa tina,
55 (AA)At sa ketong ng suot, (AB)at ng bahay.
56 (AC)At sa pamamaga at sa langib, at sa pantal na makintab:
57 Upang ituro kung kailan karumaldumal, at kung kailan malinis: ito ang kautusan tungkol sa ketong.
Footnotes
- Levitico 14:10 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
- Levitico 14:10 Ang isang log ay katimbang ng 1/4 ng litro.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
