Add parallel Print Page Options

Tuntunin tungkol sa mga Sakit sa Balat

13 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Kung ang balat ninuman ay mamaga, magnana o kaya'y magkaroon ng parang singaw, at ang mga ito'y maging sakit sa balat na parang ketong, dapat siyang dalhin kay Aaron o sa mga anak niyang pari. Susuriin ito ng pari at kung makita nitong namuti ang balahibo sa balat at sa palagay nito'y tagos hanggang laman, ang taong iyon ay maysakit sa balat na parang ketong. Kung magkagayon, ipahahayag niya itong marumi. Ngunit kung balat lamang ang namuti at hindi pati balahibo, ihihiwalay siya nang pitong araw. Pagkatapos, susuriin siyang muli sa ikapitong araw at kung sa tingin ng pari ay hindi lumalala ang sakit sa balat, pitong araw pa niya itong ihihiwalay. Pagkaraan ng pitong araw, susuriin niyang muli ang may sakit. Kung nagbalik sa dati ang kulay ng kanyang balat at ang sakit sa balat ay hindi kumalat sa ibang bahagi ng kanyang katawan, ipahahayag siyang malinis dahil isa lamang itong pamamaga. Lalabhan niya ang kanyang damit at siya'y magiging malinis na. Ngunit kung mamaga uli ang kanyang balat at kumalat ang sakit sa ibang bahagi ng katawan, muli siyang haharap sa pari. Sisiyasatin siyang muli at kung ang pamamaga ay kumakalat nga, ipahahayag ng pari na ang maysakit ay marumi. May sakit sa balat na parang ketong ang taong iyon.

“Ang sinumang magkaroon ng sakit na ito ay dapat dalhin sa pari 10 para masuri. Sisiyasatin ito at kung ang namamagang balat ay mamuti at magnaknak at ang balahibo nito ay mamuti rin, 11 hindi na siya ihihiwalay pa sapagkat tiyak ngang siya'y marumi. 12 Kung kumalat ito sa buong katawan, 13 sisiyasatin siya ng pari at kung naging maputing lahat ang balat niya, ipahahayag siyang malinis. 14 Subalit sa sandaling magbalik ang dating kulay at ang balat ay muling magsugat-sugat, ituturing siyang marumi. 15 Sisiyasatin siya ng pari at kung gayon nga ang makita rito, ipahahayag nitong marumi ang taong iyon. Ang paglitaw ng mga sugat ay tanda na ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong at siya ay maituturing na marumi. 16 Kung sakaling gumaling ang sugat at pumuti ang balat, dapat siyang pumunta sa pari 17 upang muling magpasuri. Kung makita ng pari na ang kanyang sugat ay pumuti, ipahahayag siyang magaling na. Malinis na siya ayon sa rituwal.

18 “Kung magkapigsa ang alinmang bahagi ng kanyang katawan at gumaling, 19 ngunit ito'y mamaga uli at mamuti o mamula, dapat humarap sa pari ang taong iyon. 20 Kung makita niyang tagos sa laman ang sugat at ang balahibo nito ay namuti, ang taong iyon ay may sakit sa balat na parang ketong; ang pinagmulan nito ay sa pigsa. 21 Ngunit kung hindi naman tagos sa laman at hindi namuti ang balahibo, ang maysakit ay ibubukod nang pitong araw. 22 Kung lumaganap ito sa ibang bahagi ng katawan, ipahahayag siyang marumi sapagkat siya'y may nakakahawang sakit sa balat. 23 Kung hindi naman kumalat sa ibang bahagi ng katawan, ito'y marka lamang ng pigsa at ipahahayag ng pari na malinis ang taong iyon.

24 “Kung mapaso ang isang parte ng katawan at ang parteng hindi napaso ay namula o namuti, 25 susuriin ito ng pari. Kung pumuti ang balahibo nito at tumagos sa laman ang sugat, ito'y sakit sa balat na parang ketong. Ipahahayag na marumi ang taong iyon. 26 Kung makita ng pari na ang balahibo ng napasong parte ng katawan ay hindi namuti at hindi tagos sa laman ang sugat, ihihiwalay niya ang taong iyon nang pitong araw. 27 Pagkatapos, ito'y susuriin ng pari at kung ang sakit ay kumakalat sa katawan, ipahahayag na marumi ang taong iyon. Siya ay may sakit sa balat na parang ketong. 28 Ngunit kung hindi kumakalat o humahawa sa ibang panig ng katawan at maputla ang kulay, pamamaga lamang ito ng napaso; ipahahayag siya ng pari bilang malinis sapagkat ito'y paltos lamang.

29 “Kung ang isang lalaki o babae ay magkasugat sa ulo o sa baba, 30 susuriin siya ng pari. Kung nangangati at tagos sa laman ang sugat, at ang buhok ay numinipis at naninilaw-nilaw, ipahahayag siyang marumi; siya'y may sakit sa balat na parang ketong. 31 Ngunit kung ang nangangating sugat ay hindi naman umabot sa laman at hindi nanilaw ang buhok, ihihiwalay siya sa loob nang pitong araw. 32 Pagkatapos, susuriin siya ng pari. Kung hindi ito kumakalat at di tagos sa laman o hindi naninilaw ang buhok, 33 mag-aahit ang maysakit maliban sa palibot ng sugat, ngunit pitong araw pa siyang ihihiwalay. 34 Sa ikapitong araw, susuriin siyang muli ng pari. Kung ang sugat ay hindi kumakalat sa ibang panig ng katawan, ipahahayag siya ng pari bilang malinis. Maglalaba siya ng kanyang damit at siya'y magiging malinis. 35 Ngunit pagkatapos niyang makapaglinis at magkaroon muli ng sugat sa ibang panig ng katawan, 36 susuriin siya ng pari. Kung kumakalat ang sugat, ang taong iyon ay ituturing na marumi kahit hindi naninilaw ang buhok sa may sugat. 37 Kung sa tingin ng pari ay hindi kumakalat ang sugat at tinutubuan na ito ng itim na buhok, magaling na ang taong iyon at ituturing nang malinis.

38 “Kung ang sinumang babae o lalaki ay magkaroon ng mga batik na puti sa kanyang balat, 39 susuriin siya ng pari. Kung hindi masyadong maputi ang batik, an-an lamang iyon; siya'y ituturing na malinis.

40 “Kung nalalagas ang buhok ng isang tao, hindi siya ituturing na marumi kahit siya'y kalbo. 41 Kung malugas ang buhok sa gawing noo, siya ay kalbo rin, ngunit ituturing na malinis. 42 Ngunit kung may lumitaw na mamula-mulang sugat sa kalbo niyang ulo o noo, ito'y maaaring sakit sa balat na parang ketong. 43 Susuriin siya ng pari. Kung ang sugat na iyon ay tulad ng sakit sa balat na parang ketong na tumubo sa ibang bahagi ng katawan, 44 ipahahayag ng pari na siya'y marumi dahil sa sakit sa balat na parang ketong na nasa kanyang ulo.

45 “Ang taong may sakit sa balat na parang ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, huwag mag-aayos ng buhok, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi ako! Marumi ako!’ 46 Hangga't siya'y may sugat, ituturing siyang marumi at sa labas ng kampo maninirahang mag-isa.”

Tuntunin tungkol sa Mantsa sa Damit o Kagamitang Katad

47 “Kung magkaroon ng amag[a] ang damit na lana o lino 48 o ang sinulid na lana o lino na di pa nahahabi o anumang yari sa balat, at 49 kung berde o mamula-mula ang amag, ito'y dapat ipakita sa pari. 50 Susuriin niya ito at pitong araw na ipapatago ang damit na nagkabatik. 51 Sa ikapitong araw, muli niyang titingnan ito at kung ang amag ay humawa sa ibang bahagi ng damit, maging ito'y kagamitang yari sa tela o balat, ituturing itong marumi. 52 Susunugin na niya ang mga ito sapagkat ito'y nakakahawa.

53 “Subalit kung hindi naman humahawa sa ibang parte ang mantsa nito, maging ito'y sa damit, sa kagamitang yari sa balat o sinulid, 54 iuutos niyang labhan iyon, ngunit ipapatago pa niya nang pitong araw. 55 Pagkatapos, muli itong sisiyasatin ng pari. Kung hindi pa rin nagbabago ang kulay nito, kahit hindi humahawa, ituturing na itong marumi at dapat sunugin, kahit ang amag ay nasa loob o nasa labas na bahagi ng kagamitan.

56 “Ngunit kung mapuna niyang kumupas ang mantsa, ang bahaging iyo'y gugupitin niya sa damit o kagamitang yari sa tela o balat. 57 At kung may lumitaw pang ibang mantsa, ang damit ay dapat nang sunugin. 58 Ngunit kung malabhan ang damit, kagamitang yari sa balat o sinulid, at maalis ang mantsa, ito'y lalabhang muli at ituturing nang malinis.”

59 Ito ang tuntunin tungkol sa mga amag ng anumang kasuotang damit o balat upang malaman kung marumi o malinis ang mga iyon.

Footnotes

  1. 47 AMAG: Sa wikang Hebreo, ang katumbas na salita ay tumutukoy sa maraming uri ng sakit sa balat na parang ketong.

Ang pagsubok sa ketong.

13 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

Pagka ang sinomang tao ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman, ng pamamaga, o langib, o pantal na makintab at naging salot na ketong sa balat ng kaniyang laman, (A)ay dadalhin nga siya kay Aaron na saserdote, o sa isa sa kaniyang mga anak na saserdote:

At titingnan ng saserdote ang tila salot na nasa balat ng kaniyang laman: at kung ang balahibo sa tila salot ay pumuti, at makitang ang sugat ay malalim kay sa balat ng kaniyang laman, ay salot na ketong nga: at siya'y mamasdan ng saserdote at ipakikilala siyang karumaldumal.

At kung ang pantal na makintab ay maputi sa balat ng kaniyang laman, at makitang hindi malalim kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay hindi pumuti, ay kukulungin ng saserdote ang may tila salot na pitong araw.

At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay tumigil, at hindi kumalat ang tila salot sa balat, ay kukulungin uli siya ng saserdote na pitong araw:

At titingnan siya uli ng saserdote sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang ang tila salot ay namutla, at ang tila salot ay hindi kumalat sa balat, ay ipakikilalang malinis siya ng saserdote: langib yaon; (B)at kaniyang lalabhan ang kaniyang suot, at magiging malinis.

Datapuwa't kung ang langib ay kumakalat sa balat, pagkatapos na siya'y makapakita sa saserdote upang siya'y linisin, ay pakikita siya uli sa saserdote:

At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung ang langib ay kumakalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: ketong nga yaon.

Pagka nagkaroon ng tila salot na ketong ang sinomang tao, ay dadalhin siya sa saserdote;

10 (C)At titingnan siya ng saserdote; at, narito, kung makitang may pamamaga na maputi sa balat, na pumuti ang balahibo, at may matigas na lamang buhay sa pamamaga,

11 Ay malaong ketong nga sa balat ng kaniyang laman, at ipakikilala ng saserdote na siya'y karumaldumal; (D)hindi siya kukulungin; sapagka't siya'y karumaldumal.

12 At kung kumalat ang ketong sa balat, at matakpan ng ketong ang buong balat ng may tila salot, mula sa ulo hanggang sa kaniyang mga paa, sa buong maaabot ng paningin ng saserdote;

13 At titingnan nga siya ng saserdote; at, narito, kung makitang ang ketong ay kumalat sa buong laman niya, ay ipakikilalang malinis ang may tila salot: pumuting lahat: siya'y malinis.

14 Datapuwa't sa alin mang araw na makitaan siya ng lamang buháy, ay magiging karumaldumal siya.

15 At titingnan ng saserdote ang lamang buháy, at ipakikilala siyang karumaldumal: ang lamang buháy ay karumaldumal: ketong nga.

16 O kung magbago uli ang lamang buháy at pumuti, ay lalapit nga siya sa saserdote;

17 At titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung pumuti ang tila salot ay ipakikilalang malinis ng saserdote ang may tila salot: siya'y malinis.

18 At kung magkaroon sa balat ng laman ng isang (E)bukol at gumaling,

19 At humalili sa bukol ay isang pamamaga na maputi, o isang pantal na makintab, na namumulang puti, ay ipakikita sa saserdote;

20 At titingnan ng saserdote; at, narito, kung makitang tila impis kaysa balat, at ang balahibo niyaon ay tila pumuti, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong yaon; lumitaw sa bukol.

21 Datapuwa't kung pagtingin ng saserdote, ay makitang walang balahibong puti yaon, o hindi impis man kay sa balat, kungdi namutla, ay kukulungin ng saserdote siya na pitong araw.

22 At kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot nga yaon.

23 Nguni't kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan, at hindi kumalat, ay piklat nga ng bukol; at ipakikilala ng saserdote na malinis siya.

24 O pagka nagkaroon sa balat ng laman, ng paso ng apoy, at ang lamang paso ay naging tila pantal na makintab, na namumulang puti, o maputi;

25 At titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang buhok ay pumuti sa pantal na makintab, at tila mandin malalim kaysa balat; ay ketong nga na lumitaw sa paso: at ipakikilala ng saserdote na karumaldumal; salot na ketong nga yaon.

26 Nguni't kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang sa pantal na makintab ay walang balahibong maputi, at hindi impis kaysa balat, kungdi namutla; ay kukulungin nga siya ng saserdote na pitong araw.

27 At titingnan siya ng saserdote sa ikapitong araw: kung kumalat sa balat, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: salot na ketong nga yaon.

28 At kung ang pantal na makintab ay tumigil sa kaniyang kinaroroonan at hindi kumalat sa balat, kungdi pumutla, ay pamamaga ng paso yaon, at ipakikilala ng saserdote na malinis: sapagka't piklat ng paso yaon.

29 At kung ang sinomang lalake o babae ay mayroong tila salot sa ulo o sa baba,

30 Ay titingnan nga ng saserdote ang tila salot: at, narito, kung makitang tila malalim kaysa balat, at yao'y may buhok na naninilaw na manipis, ay ipakikilala ng saserdote na karumaldumal: tina nga, ketong nga yaon sa ulo o sa baba.

31 At kung makita ng saserdote ang tila salot na tina, at, narito, tila hindi malalim kaysa balat, at walang buhok na maitim yaon, ay kukulungin ng saserdote na pitong araw ang may tila salot na tina;

32 At sa ikapitong araw ay titingnan ng saserdote ang tila salot; at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang tina, at walang buhok na naninilaw, at tila ang tina ay hindi malalim kaysa balat,

33 Ay aahitan nga, datapuwa't hindi aahitan ang kinaroroonan ng tina; at ipakukulong ng saserdote ang may tina ng muling pitong araw:

34 At titingnan ng saserdote ang tina sa ikapitong araw: at, narito, kung makitang hindi kumalat ang tina sa balat, at tila hindi malalim kaysa balat; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis at siya'y maglalaba ng kaniyang suot at magiging malinis.

35 Nguni't kung ang tina ay kumalat sa balat, pagkatapos ng kaniyang paglilinis;

36 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang kumalat sa balat ang tina ay hindi hahanapin ng saserdote ang buhok na maninilaw; siya'y karumaldumal.

37 Datapuwa't kung sa kaniyang paningin ay tumigil ang tina at may tumubong buhok na itim; ay gumaling ang tina, siya'y malinis: at ipakikilalang malinis siya ng saserdote.

38 At pagka ang isang lalake o babae ay nagkaroon sa balat ng kaniyang laman ng nangingintab na pantal, ng makikintab na pantal na puti;

39 Ay titingnan nga ng saserdote: at, narito, kung makitang ang nangingintab na pantal sa balat ng kaniyang laman ay namumutimuti; yao'y buni na sumibol sa balat; siya'y malinis.

40 At kung ang sinoman ay malugunan ng buhok, ay kalbo gayon ma'y malinis.

41 At kung sa dakong harapan ng ulo nalugunan ng buhok, ay kalbo yaon sa noo gayon ma'y malinis.

42 Datapuwa't kung sa kakalbuhan, sa ulo o sa noo ay magkaroon ng tila salot ng namumulang maputi; ay ketong na sumibol sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo.

43 Kung magkagayo'y titingnan siya ng saserdote: at, narito, kung ang pamamaga ng tila salot ay namumulamula ng maputi sa kaniyang kakalbuhan ng ulo o sa kaniyang kakalbuhan ng noo, gaya ng anyo ng ketong sa balat ng kaniyang laman;

44 Ay ketongin siya, siya'y karumaldumal ipakikilala siya ng saserdote na tunay na karumaldumal; nasa kaniyang ulo ang salot niya.

45 At pupunitin ng may ketong na kinaroroonan ng salot, ang kaniyang mga suot at ang buhok ng kaniyang ulo ay ilulugay, at siya'y (F)magtatakip ng kaniyang nguso, at maghihihiyaw. (G)Karumaldumal, karumaldumal.

46 Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; (H)sa labas ng kampamento malalagay ang kaniyang tahanan.

47 Ang suot na kinaroroonan ng ketong, maging kasuutang balahibo ng tupa o kasuutang lino;

48 Maging nasa paayon o maging nasa pahalang; ng lino o ng balahibo ng tupa; maging sa balat o sa alin mang yaring balat;

49 Kung ang tila salot ay (I)namemerde o namumula sa kasuutan, o sa balat, maging sa paayon, o maging sa pahalang, o sa alin mang kasangkapang balat; ay salot na ketong nga at ipakikita sa saserdote,

50 At titingnan ng saserdote ang tila salot, at ipatatago ng pitong araw ang bagay na may tila salot:

51 At titingnan ang bagay na may tila salot, sa ikapitong araw: kung kumalat ang tila salot sa kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa balat, o alin mang ginagawa sa balat, (J)ay ketong na ngumangatngat ang gayon tila salot; yao'y karumaldumal.

52 At kaniyang susunugin ang kasuutan, maging paayon, at maging pahalang ng balahibo ng tupa o lino o sa alin mang kasangkapang balat na kinaroroonan ng salot; sapagka't yao'y ketong na ngumangatngat, yao'y susunugin sa apoy.

53 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang hindi kumalat ang salot sa kasuutan, maging sa paayon man, o sa pahalang man, o sa alin mang kasangkapang balat;

54 Ay palalabhan nga ng saserdote yaong kinaroroonan ng salot, at ipatatago pa ng pitong araw:

55 At titingnan ng saserdote ang bagay na may salot, pagkatapos na malabhan: at, narito, kung makitang ang salot ay hindi nagbago ang kulay, at hindi kumalat ang salot, yao'y karumaldumal; susunugin mo sa apoy: isang ngatngat nga, maging ang nanisnis ay nasa karayagan o nasa kabaligtaran.

56 At kung pagtingin ng saserdote, at, narito, kung makita ngang namutla ang dakong may salot pagkatapos na malabhan, ay hahapakin sa kasuutan, o sa balat, o sa paayon, o sa pahalang:

57 At kung muling lumitaw sa kasuutang yaon, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, ay muling sumisibol: susunugin mo sa apoy yaong kinaroroonan ng salot.

58 At ang kasuutan, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, na iyong labhan, at maalis ang salot, ay lalabhan ngang ikalawa, at magiging malinis.

59 Ito ang kautusan tungkol sa salot na ketong sa kasuutang balahibo ng tupa o lino, maging sa paayon, o sa pahalang, o sa alin mang yari sa balat, upang ipakilalang malinis, o upang ipakilalang karumaldumal.

The Law Concerning Leprosy

13 And the Lord spoke to Moses and Aaron, saying: “When a man has on the skin of his body a swelling, (A)a scab, or a bright spot, and it becomes on the skin of his body like a [a]leprous sore, (B)then he shall be brought to Aaron the priest or to one of his sons the priests. The priest shall examine the sore on the skin of the body; and if the hair on the sore has turned white, and the sore appears to be deeper than the skin of his body, it is a leprous sore. Then the priest shall examine him, and pronounce him [b]unclean. But if the bright spot is white on the skin of his body, and does not appear to be deeper than the skin, and its hair has not turned white, then the priest shall isolate the one who has the sore (C)seven days. And the priest shall examine him on the seventh day; and indeed if the sore appears to be as it was, and the sore has not spread on the skin, then the priest shall isolate him another seven days. Then the priest shall examine him again on the seventh day; and indeed if the sore has faded, and the sore has not spread on the skin, then the priest shall pronounce him clean; it is only a scab, and he (D)shall wash his clothes and be clean. But if the scab should at all spread over the skin, after he has been seen by the priest for his cleansing, he shall be seen by the priest again. And if the priest sees that the scab has indeed spread on the skin, then the priest shall pronounce him [c]unclean. It is leprosy.

“When the leprous sore is on a person, then he shall be brought to the priest. 10 (E)And the priest shall examine him; and indeed if the swelling on the skin is white, and it has turned the hair white, and there is a spot of raw flesh in the swelling, 11 it is an old leprosy on the skin of his body. The priest shall pronounce him [d]unclean, and shall not isolate him, for he is unclean.

12 “And if leprosy breaks out all over the skin, and the leprosy covers all the skin of the one who has the sore, from his head to his foot, wherever the priest looks, 13 then the priest shall consider; and indeed if the leprosy has covered all his body, he shall pronounce him clean who has the sore. It has all turned (F)white. He is clean. 14 But when raw flesh appears on him, he shall be unclean. 15 And the priest shall examine the raw flesh and pronounce him to be unclean; for the raw flesh is unclean. It is leprosy. 16 Or if the raw flesh changes and turns white again, he shall come to the priest. 17 And the priest shall examine him; and indeed if the sore has turned white, then the priest shall pronounce him clean who has the sore. He is clean.

18 “If the body develops a (G)boil in the skin, and it is healed, 19 and in the place of the boil there comes a white swelling or a bright spot, reddish-white, then it shall be shown to the priest; 20 and if, when the priest sees it, it indeed appears deeper than the skin, and its hair has turned white, the priest shall pronounce him unclean. It is a leprous sore which has broken out of the boil. 21 But if the priest examines it, and indeed there are no white hairs in it, and it is not deeper than the skin, but has faded, then the priest shall isolate him seven days; 22 and if it should at all spread over the skin, then the priest shall pronounce him unclean. It is a [e]leprous sore. 23 But if the bright spot stays in one place, and has not spread, it is the scar of the boil; and the priest shall pronounce him clean.

24 “Or if the body receives a (H)burn on its skin by fire, and the raw flesh of the burn becomes a bright spot, reddish-white or white, 25 then the priest shall examine it; and indeed if the hair of the bright spot has turned white, and it appears deeper than the skin, it is leprosy broken out in the burn. Therefore the priest shall pronounce him unclean. It is a leprous sore. 26 But if the priest examines it, and indeed there are no white hairs in the bright spot, and it is not deeper than the skin, but has faded, then the priest shall isolate him seven days. 27 And the priest shall examine him on the seventh day. If it has at all spread over the skin, then the priest shall pronounce him unclean. It is a leprous sore. 28 But if the bright spot stays in one place, and has not spread on the skin, but has faded, it is a swelling from the burn. The priest shall pronounce him clean, for it is the scar from the burn.

29 “If a man or woman has a sore on the head or the beard, 30 then the priest shall examine the sore; and indeed if it appears deeper than the skin, and there is in it thin yellow hair, then the priest shall pronounce him unclean. It is a scaly leprosy of the head or beard. 31 But if the priest examines the scaly sore, and indeed it does not appear deeper than the skin, and there is no black hair in it, then the priest shall isolate the one who has the scale seven days. 32 And on the seventh day the priest shall examine the sore; and indeed if the scale has not spread, and there is no yellow hair in it, and the scale does not appear deeper than the skin, 33 he shall shave himself, but the scale he shall not shave. And the priest shall isolate the one who has the scale another seven days. 34 On the seventh day the priest shall examine the scale; and indeed if the scale has not spread over the skin, and does not appear deeper than the skin, then the priest shall pronounce him clean. He shall wash his clothes and be clean. 35 But if the scale should at all spread over the skin after his cleansing, 36 then the priest shall examine him; and indeed if the scale has spread over the skin, the priest need not seek for yellow hair. He is unclean. 37 But if the scale appears to be at a standstill, and there is black hair grown up in it, the scale has healed. He is clean, and the priest shall pronounce him clean.

38 “If a man or a woman has bright spots on the skin of the body, specifically white bright spots, 39 then the priest shall look; and indeed if the bright spots on the skin of the body are dull white, it is a white spot that grows on the skin. He is clean.

40 “As for the man whose hair has fallen from his head, he is bald, but he is clean. 41 He whose hair has fallen from his forehead, he is bald on the forehead, but he is clean. 42 And if there is on the bald head or bald (I)forehead a reddish-white sore, it is leprosy breaking out on his bald head or his bald forehead. 43 Then the priest shall examine it; and indeed if the swelling of the sore is reddish-white on his bald head or on his bald forehead, as the appearance of leprosy on the skin of the body, 44 he is a leprous man. He is unclean. The priest shall surely pronounce him [f]unclean; his sore is on his (J)head.

45 “Now the leper on whom the sore is, his clothes shall be torn and his head (K)bare; and he shall (L)cover his mustache, and cry, (M)‘Unclean! Unclean!’ 46 He shall be unclean. All the days he has the sore he shall be unclean. He is unclean, and he shall [g]dwell alone; his dwelling shall be (N)outside the camp.

The Law Concerning Leprous Garments

47 “Also, if a garment has a [h]leprous plague in it, whether it is a woolen garment or a linen garment, 48 whether it is in the warp or woof of linen or wool, whether in leather or in anything made of leather, 49 and if the plague is greenish or reddish in the garment or in the leather, whether in the warp or in the woof, or in anything made of leather, it is a leprous [i]plague and shall be shown to the priest. 50 The priest shall examine the plague and isolate that which has the plague seven days. 51 And he shall examine the plague on the seventh day. If the plague has spread in the garment, either in the warp or in the woof, in the leather or in anything made of leather, the plague is (O)an active leprosy. It is unclean. 52 He shall therefore burn that garment in which is the plague, whether warp or woof, in wool or in linen, or anything of leather, for it is an active leprosy; the garment shall be burned in the fire.

53 “But if the priest examines it, and indeed the plague has not spread in the garment, either in the warp or in the woof, or in anything made of leather, 54 then the priest shall command that they wash the thing in which is the plague; and he shall isolate it another seven days. 55 Then the priest shall examine the plague after it has been washed; and indeed if the plague has not changed its color, though the plague has not spread, it is unclean, and you shall burn it in the fire; it continues eating away, whether the damage is outside or inside. 56 If the priest examines it, and indeed the plague has faded after washing it, then he shall tear it out of the garment, whether out of the warp or out of the woof, or out of the leather. 57 But if it appears again in the garment, either in the warp or in the woof, or in anything made of leather, it is a spreading plague; you shall burn with fire that in which is the plague. 58 And if you wash the garment, either warp or woof, or whatever is made of leather, if the plague has disappeared from it, then it shall be washed a second time, and shall be clean.

59 “This is the law of the leprous plague in a garment of wool or linen, either in the warp or woof, or in anything made of leather, to pronounce it clean or to pronounce it unclean.”

Footnotes

  1. Leviticus 13:2 Heb. saraath, disfiguring skin diseases, including leprosy, and so in vv. 2–46 and 14:2–32
  2. Leviticus 13:3 defiled
  3. Leviticus 13:8 defiled
  4. Leviticus 13:11 defiled
  5. Leviticus 13:22 infection
  6. Leviticus 13:44 altogether defiled
  7. Leviticus 13:46 live alone
  8. Leviticus 13:47 A mold, fungus, or similar infestation, and so in vv. 47–59
  9. Leviticus 13:49 mark