Add parallel Print Page Options

Kautusan tungkol sa mga Handog na Sinusunog

Tinawag ni Yahweh si Moises, at mula sa Toldang Tipanan ay sinabi sa kanya, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Kung may maghahandog kay Yahweh, ang dapat niyang ihandog ay baka, tupa o kambing.’

“Kung baka ang kanyang handog na susunugin, kailangang ito'y lalaki at walang kapintasan. Dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan upang maging kalugud-lugod sa akin.

Read full chapter