Add parallel Print Page Options

26 At(A) kahit saan kayo naroon, huwag kayong kakain ng dugo ng anumang hayop o ibon. 27 Ang sinumang kumain nito ay ititiwalag sa sambayanan ng Diyos.”

Read full chapter

10 “Ang(A) sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man. 11 Sapagkat(B) ang buhay ay nasa dugo at iniuutos ko na dapat ihandog iyon sa altar bilang pantubos sa inyong buhay. 12 Kaya nga, hindi ito dapat kainin ninuman, maging siya'y Israelita o dayuhan man.

13 “At kapag ang sinuman sa inyo, maging Israelita o dayuhan ay humuli ng hayop o ibong makakain, dapat niyang itapon ang dugo niyon at tabunan ng lupa. 14 Sapagkat ang buhay ng bawat hayop ay nasa dugo, kaya huwag kayong kakain ng dugo. Ang sinumang lumabag dito'y ititiwalag sa sambayanan.

Read full chapter

26 “Huwag(A) kayong kakain ng anumang karneng may dugo. Huwag kayong manghuhula o mangkukulam.

Read full chapter

16 Ngunit(A) huwag ninyong kakainin ang dugo; kailangang patuluin ito sa lupa.

Read full chapter

23 Ngunit(A) huwag ninyong kakainin ang dugo sapagkat nasa dugo ang buhay; ang sangkap ng buhay ay hindi dapat kainin.

Read full chapter

23 Huwag(A) ninyong kakainin ang dugo; kailangang patuluin ito sa lupa.

Read full chapter