Add parallel Print Page Options

Batas tungkol sa mga Buwis

30 “Lahat(A) ng ikasampung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punungkahoy ay sa Panginoon; ito ay banal sa Panginoon.

31 Kung ang isang tao ay tutubos ng alinman sa kanyang ikasampung bahagi, idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyon.

32 At lahat ng ikasampung bahagi sa bakahan o sa kawan, lahat ng ikasampung bahagi na dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol ay banal sa Panginoon.

33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niya itong papalitan; at kung palitan niya ito, kapwa magiging banal ito at ang ipinalit at hindi ito maaaring tubusin.”

Read full chapter

Ang Kautusan tungkol sa Ikapu

22 “Kukunan(A) mo ng ikasampung bahagi ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nanggagaling sa iyong bukid taun-taon.

23 Iyong kakainin sa harapan ng Panginoon mong Diyos, sa dakong kanyang pipiliin na patatahanan sa kanyang pangalan, ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan upang lagi kang matutong matakot sa Panginoon mong Diyos.

24 At kung ang daan ay napakahaba para sa iyo, na anupa't hindi mo madala ang ikapu kapag pinagpala ka ng Diyos, sapagkat napakalayo sa iyo ang dakong pinili ng Panginoon mong Diyos na paglalagyan ng kanyang pangalan,

25 ay iyo ngang tutumbasan ng salapi at itatali mo ang salapi sa iyong kamay at pupunta ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos;

26 at iyong gugulin ang salapi sa anumang nais mo: baka, tupa, alak, matapang na inumin, o sa anumang iyong nasain. Ikaw ay kakain doon sa harapan ng Panginoon mong Diyos, at ikaw at ang iyong sambahayan ay magalak.

27 Ang Levita na nasa loob ng iyong mga bayan ay huwag mong pababayaan, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama mo.

28 “Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasampung bahagi ng iyong bunga ng taong iyon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga bayan.

29 At ang Levita, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama mo, at ang dayuhan, ang ulila, ang babaing balo na nasa loob ng iyong mga bayan ay pupunta roon at kakain at mabubusog, upang pagpalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng gawain na iyong ginagawa.

Read full chapter