Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak, (A)Huwag ninyong ilugay ang buhok ng inyong ulo, o hapakin man ninyo ang inyong bihisan; upang huwag kayong mamatay (B)at ng siya'y huwag magalit laban sa buong kapisanan: kundi ang inyong mga kapatid, ang buong sangbahayan ni Israel ay tumaghoy sa apoy na pinapagalab ng Panginoon.

Read full chapter

19 At (A)aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel (B)upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.

Read full chapter

22 At sila'y (A)nagpatirapa, at nagsabi, Oh Dios, na (B)Dios ng mga diwa ng lahat ng laman, sa pagkakasala ba ng isang tao ay magagalit ka sa buong kapisanan?

Read full chapter

46 At sinabi ni Moises kay Aaron, Kunin mo ang iyong suuban, at lagyan mo ng apoy mula sa dambana at patungan ng kamangyan, at dalhin mong madali sa kapisanan, at itubos mo sa kanila: (A)sapagka't may galit na lumabas sa harap ng Panginoon; ang salot ay nagpapasimula na.

Read full chapter

(A)At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; (B)upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.

Read full chapter