Add parallel Print Page Options

20 Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang. 21 Itanim mo ito sa iyong isipan para hindi mo makalimutan. 22 Ito ang magpapatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa. 23 Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo para ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.

Read full chapter