Add parallel Print Page Options

Ang bawat salita ng Dios ay tunay na mapagkakatiwalaan.
    Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita,
    dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”

Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay. Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan.

Read full chapter