Add parallel Print Page Options

24 May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan:

25 Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.
26 Ang mga badyer,[a] kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.
27 Ang mga balang, kahit walang namumuno, maayos na lumilipad nang sama-sama.
28 Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.

29 May apat[b] na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad:

30 ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),
31 ang tandang,
    ang lalaking kambing,
    at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal.

Read full chapter

Footnotes

  1. 30:26 badyer: sa Ingles, badger.
  2. 30:29 May apat: sa Hebreo, May tatlo o apat.