Kawikaan 23
Ang Dating Biblia (1905)
23 Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
2 At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
3 Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain.
4 Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
5 Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
6 Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
7 Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.
8 Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
9 Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
10 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
11 Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
12 Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
13 Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
14 Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
15 Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
16 Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
17 Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
18 Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
19 Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
20 Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
21 Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
22 Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
23 Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
24 Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
25 Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
26 Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
27 Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
28 Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.
29 Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata?
30 Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.
31 Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,
32 Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.
33 Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
34 Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
35 Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
Kawikaan 23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
… 6 …
23 Kapag kumakain ka kasalo ng taong may mataas na katungkulan, mag-ingat ka sa ikikilos mo. 2 Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili. 3 Huwag kang magnanasa sa mga pagkaing kanyang inihanda, dahil baka iyon ay pain lang sa iyo.
… 7 …
4 Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpapayaman. Sa halip pigilan mo ang iyong sarili at isipin kung ano ang mabuti. 5 Dahil ang kayamanan ay madaling mawala at tila may pakpak na lumilipad sa kalawakan tulad ng isang agila.
… 8 …
6 Huwag kang kumain o matakam sa pagkain na inihanda ng taong kuripot, kahit ito ay masarap. 7 Sapagkat ang taong ganyan bawat subo moʼy binabantayan. Sasabihin niya, “Sige, kumain ka pa.” Ngunit hindi pala ganoon ang nasa isip niya. 8 Kaya lahat ng kinain moʼy isusuka mo at ang mga papuri mo sa kanya ay mababalewala.
… 9 …
9 Huwag kang magsasalita sa hangal, sapagkat ang sasabihin mong karunungan sa kanya ay wala ring kabuluhan.
… 10 …
10 Huwag mong agawin o sakupin ang lupa ng mga ulila sa pamamagitan ng paglilipat ng mga muhon na matagal nang nakalagay. 11 Sapagkat ang kanilang makapangyarihang tagapagtanggol ay ang Panginoon. Siya ang magtatanggol sa kanila laban sa iyo.
… 11 …
12 Makinig ka kapag itinutuwid ang iyong pag-uugali upang ikaw ay matuto.
… 12 …
13-14 Huwag kang magpapabaya sa pagdidisiplina sa iyong anak. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan.
… 13 …
15-16 Anak, matutuwa ako kung magiging matalino ka at karunungan ang mamumutawi sa iyong mga labi.
… 14 …
17 Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka. 18 At kung magkagayon ay gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo.
… 15 …
19 Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan. 20-21 Huwag kang gumaya sa mga lasenggo at matakaw sa pagkain, dahil ang gaya nila ay hahantong sa kahirapan. Tulog lang sila ng tulog, kaya sa bandang huli ay magdadamit na lang sila ng basahan.
… 16 …
22 Makinig ka sa iyong mga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila, hindi ka naisilang sa mundong ito. Huwag mo silang hahamakin kapag sila ay matanda na. 23 Pagsikapan mong mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo itong ipagpapalit sa kahit anumang bagay. 24-25 Matutuwa ang iyong mga magulang kung matuwid ka at matalino. Ikaliligaya nila na sila ang naging iyong ama at ina.
… 17 …
26 Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay. 27 Sapagkat ang babaeng bayaran ay makapagpapahamak sa iyo katulad ng malalim at makitid na hukay. 28 Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.
… 18 …
29 Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? 30 Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! 31 Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. 32 Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas. 33 Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti. 34 Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo[a] ng barko. 35 Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”
Footnotes
- 23:34 palo: mahabang kahoy kung saan nakatali ang layag ng barko.
Proverbios 23
Biblia del Jubileo
23 ¶ Cuando te sentares a comer con algún señor, considera bien lo que estuviere delante de ti;
2 y pon cuchillo a tu garganta, si tienes gran apetito.
3 No codicies sus manjares, porque es pan engañoso.
4 ¶ No trabajes por ser rico; desiste de tu propia sabiduría.
5 ¿Has de poner tus ojos en las riquezas, siendo ningunas? Porque se harán alas, como alas de águila, y volarán al cielo.
6 ¶ No comas pan de hombre de mal ojo, ni codicies sus manjares;
7 porque cual es su pensamiento en su alma, tal es él. Come y bebe, te dirá; mas su corazón no está contigo.
8 ¿Comiste tu parte? La vomitarás; y perderás tus suaves palabras.
9 ¶ No hables a oídos del loco; porque menospreciará la prudencia de tus razones.
10 ¶ No traspases el término antiguo, ni entres en la heredad de los huérfanos;
11 porque el redentor de ellos es el Fuerte, el cual juzgará la causa de ellos contra ti.
12 ¶ Aplica tu corazón al castigo, y tus oídos a las palabras de sabiduría.
13 No detengas el castigo del niño; porque si lo hirieres con vara, no morirá.
14 Tú lo herirás con vara, y librarás su alma del Seol.
15 Hijo mío, si tu corazón fuere sabio, también a mí se me alegrará el corazón;
16 mis entrañas también se alegrarán, cuando tus labios hablaren cosas rectas.
17 ¶ No tenga tu corazón envidia de los pecadores, antes persevera en el temor del SEÑOR en todo tiempo;
18 porque ciertamente hay fin, y tu esperanza no será cortada.
19 ¶ Oye tú, hijo mío, y sé sabio, y endereza tu corazón al camino.
20 No estés con los borrachos de vino, ni con los glotones de carne;
21 porque el bebedor y el comilón empobrecerán; y el sueño hará vestir vestidos rotos.
22 Oye a tu padre, a aquel que te engendró; y cuando tu madre envejeciere, no la menosprecies.
23 Compra la verdad, y no la vendas; la sabiduría, la enseñanza, y la inteligencia.
24 Mucho se alegrará el padre del justo; y el que engendró sabio se gozará con él.
25 Alégrense tu padre y tu madre, y gócese la que te dio a luz.
26 Dame, hijo mío, tu corazón, y miren tus ojos por mis caminos.
27 Porque sima profunda es la ramera, y pozo angosto la extraña.
28 También ella, como robador, acecha, y multiplica entre los hombres los prevaricadores.
29 ¶ ¿Para quién será el ay? ¿Para quién el ay? ¿Para quién las rencillas? ¿Para quién las quejas? ¿Para quién las heridas en balde? ¿Para quién lo amoratado de los ojos?
30 Para los que se detienen junto al vino, para los que van buscando la mixtura.
31 No mires al vino cuando rojea, cuando resplandece su color en el vaso, se entra suavemente;
32 mas al fin morderá como serpiente, y como basilisco dará dolor.
33 Tus ojos mirarán las extrañas, y tu corazón hablará perversidades.
34 Y serás como el que duerme en medio del mar, y como el que se acuesta junto al timón.
35 Y dirás: Me hirieron, mas no me dolió; me azotaron, mas no lo sentí; cuando despertare, aun lo volveré a buscar.
Proverbs 23
New International Version
Saying 7
23 When you sit to dine with a ruler,
    note well what[a] is before you,
2 and put a knife to your throat
    if you are given to gluttony.
3 Do not crave his delicacies,(A)
    for that food is deceptive.
Saying 8
4 Do not wear yourself out to get rich;
    do not trust your own cleverness.
5 Cast but a glance at riches, and they are gone,(B)
    for they will surely sprout wings
    and fly off to the sky like an eagle.(C)
Saying 9
6 Do not eat the food of a begrudging host,
    do not crave his delicacies;(D)
7 for he is the kind of person
    who is always thinking about the cost.[b]
“Eat and drink,” he says to you,
    but his heart is not with you.
8 You will vomit up the little you have eaten
    and will have wasted your compliments.
Saying 10
9 Do not speak to fools,
    for they will scorn your prudent words.(E)
Saying 11
10 Do not move an ancient boundary stone(F)
    or encroach on the fields of the fatherless,
11 for their Defender(G) is strong;(H)
    he will take up their case against you.(I)
Saying 12
12 Apply your heart to instruction(J)
    and your ears to words of knowledge.
Saying 13
13 Do not withhold discipline from a child;
    if you punish them with the rod, they will not die.
14 Punish them with the rod
    and save them from death.(K)
Saying 14
15 My son, if your heart is wise,
    then my heart will be glad indeed;
16 my inmost being will rejoice
    when your lips speak what is right.(L)
Saying 15
17 Do not let your heart envy(M) sinners,
    but always be zealous for the fear of the Lord.
18 There is surely a future hope for you,
    and your hope will not be cut off.(N)
Saying 16
19 Listen, my son,(O) and be wise,
    and set your heart on the right path:
20 Do not join those who drink too much wine(P)
    or gorge themselves on meat,
21 for drunkards and gluttons become poor,(Q)
    and drowsiness clothes them in rags.
Saying 17
22 Listen to your father, who gave you life,
    and do not despise your mother when she is old.(R)
23 Buy the truth and do not sell it—
    wisdom, instruction and insight as well.(S)
24 The father of a righteous child has great joy;
    a man who fathers a wise son rejoices in him.(T)
25 May your father and mother rejoice;
    may she who gave you birth be joyful!(U)
Saying 18
26 My son,(V) give me your heart
    and let your eyes delight in my ways,(W)
27 for an adulterous woman is a deep pit,(X)
    and a wayward wife is a narrow well.
28 Like a bandit she lies in wait(Y)
    and multiplies the unfaithful among men.
Saying 19
29 Who has woe? Who has sorrow?
    Who has strife? Who has complaints?
    Who has needless bruises? Who has bloodshot eyes?
30 Those who linger over wine,(Z)
    who go to sample bowls of mixed wine.
31 Do not gaze at wine when it is red,
    when it sparkles in the cup,
    when it goes down smoothly!
32 In the end it bites like a snake
    and poisons like a viper.
33 Your eyes will see strange sights,
    and your mind will imagine confusing things.
34 You will be like one sleeping on the high seas,
    lying on top of the rigging.
35 “They hit me,” you will say, “but I’m not hurt!
    They beat me, but I don’t feel it!
When will I wake up
    so I can find another drink?”(AA)
Footnotes
- Proverbs 23:1 Or who
- Proverbs 23:7 Or for as he thinks within himself, / so he is; or for as he puts on a feast, / so he is
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Biblia del Jubileo 2000 (JUS) © 2000, 2001, 2010, 2014, 2017, 2020 by Ransom Press International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
