Add parallel Print Page Options

21 Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin.

Bawa't lakad ng tao ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga puso.

Gumawa ng kaganapan at kahatulan ay lalong kalugodlugod sa Panginoon kay sa hain.

Ang mapagmataas na tingin, at ang palalong puso, siyang ilaw ng masama, ay kasalanan.

Ang mga pagiisip ng masipag ay patungo sa kasaganaan lamang: nguni't bawa't nagmamadali ay sa pangangailangan lamang.

Ang pagtatamo ng mga kayamanan sa pamamagitan ng sinungaling na dila ay singaw na tinatangay na paroo't parito noong nagsisihanap ng kamatayan.

Ang pangdadahas ng masama ay siya ring papalis sa kanila; sapagka't sila'y nagsitangging magsigawa ng kahatulan.

Ang lakad ng nagpapasan ng sala ay lubhang liko; nguni't tungkol sa malinis, ang kaniyang gawa ay matuwid.

Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.

10 Ang kaluluwa ng masama ay nagnanasa ng kasamaan: ang kaniyang kapuwa ay hindi nakakasumpong ng lingap sa kaniyang mga mata.

11 Pagka ang mangduduwahagi ay pinarusahan, ang musmos ay nagiging pantas: at pagka ang pantas ay tinuturuan, siya'y tumatanggap ng kaalaman.

12 Pinagninilay ng matuwid ang bahay ng masama, kung paanong napapahamak ang masama sa kanilang pagkapariwara.

13 Ang nagtatakip ng kaniyang mga pakinig sa daing ng dukha, siya naman ay dadaing, nguni't hindi didinggin.

14 Ang kaloob na lihim ay nagpapatahimik ng galit, at ang alay sa sinapupunan, ay ng malaking poot.

15 Kagalakan sa matuwid ang gumawa ng kahatulan; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.

16 Ang tao na gumagala sa labas ng daan ng kaunawaan, magpapahinga sa kapisanan ng patay.

17 Ang umiibig ng kalayawan ay magiging dukha: ang umiibig sa alak at langis ay hindi yayaman.

18 Ang masama ay isang katubusan para sa matuwid, at ang taksil ay sa lugar ng matuwid.

19 Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kay sa makisama sa palatalo at magagaliting babae.

20 May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang.

21 Ang sumusunod sa katuwiran at kagandahang-loob nakakasumpong ng buhay, katuwiran, at karangalan.

22 Sinasampa ng pantas ang bayan ng makapangyarihan, at ibinabagsak ang lakas ng pagkakatiwala niyaon.

23 Sinomang nagiingat ng kaniyang bibig at kaniyang dila nagiingat ng kaniyang kaluluwa mula sa mga kabagabagan.

24 Ang palalo at mapagmataas na tao, manglilibak ang kaniyang pangalan, siya'y gumagawa sa kahambugan ng kapalaluan.

25 Ang nasa ng tamad ay pumapatay sa kaniya; sapagka't tumatanggi ang kaniyang mga kamay sa paggawa.

26 May nagiimbot sa kasakiman buong araw: nguni't ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait.

27 Ang hain ng masama ay karumaldumal: gaano pa nga, pagka kaniyang dinadala na may masamang isip!

28 Ang sinungaling na saksi ay mamamatay: nguni't ang taong nakikinig ay magsasalita upang mamalagi.

29 Ang masamang tao ay nagmamatigas ng kaniyang mukha; nguni't tungkol sa taong matuwid, nagaayos ng kaniyang mga lakad.

30 Walang karunungan, o kaunawaan man, O payo man laban sa Panginoon.

31 Ang kabayo ay handa laban sa kaarawan ng pagbabaka: nguni't ang pagtatagumpay ay sa Panginoon.

21 Como los repartimientos de las aguas, así está el corazón del rey en la mano del SEÑOR; a todo lo que quiere lo inclina.

¶ Todo camino del hombre es recto en su opinión; mas el SEÑOR pesa los corazones.

¶ Hacer justicia y juicio es al SEÑOR más agradable que sacrificio.

¶ Altivez de ojos, y orgullo de corazón, que es la lámpara de los impíos, es pecado.

¶ Los pensamientos del solícito ciertamente van a abundancia; mas los de todo presuroso, indefectiblemente a pobreza.

¶ Amontonar tesoros con lengua de mentira, es vanidad fugaz de aquellos que buscan la muerte.

¶ La rapiña de los impíos los destruirá; por cuanto no quisieron hacer juicio.

¶ El camino del hombre perverso es torcido y extraño; mas la obra del limpio es recta.

¶ Mejor es vivir en un rincón del terrado que con la mujer rencillosa en espaciosa casa.

10 ¶ El alma del impío desea mal; su prójimo no le parece bien.

11 ¶ Cuando el burlador es castigado, el simple se hace sabio; y enseñando al sabio, toma sabiduría.

12 ¶ Considera el justo la casa del impío; cómo los impíos son trastornados por el mal.

13 ¶ El que cierra su oído al clamor del pobre, también él clamará, y no será oído.

14 ¶ El don en secreto amansa el furor, y el presente en el seno, la fuerte ira.

15 ¶ Alegría es al justo el hacer juicio; mas quebrantamiento a los que hacen iniquidad.

16 ¶ El hombre que yerra del camino de la sabiduría, vendrá a parar en la compañía de los muertos.

17 ¶ Hombre necesitado será el que ama el deleite; y el que ama el vino y el ungüento no enriquecerá.

18 ¶ El rescate del justo será el impío, y por los rectos el prevaricador.

19 ¶ Mejor es morar en tierra del desierto, que con la mujer rencillosa e iracunda.

20 ¶ Tesoro codiciable y aceite hay en la casa del sabio; mas el hombre loco lo disipará.

21 ¶ El que sigue la justicia y la misericordia, hallará la vida, la justicia, y la honra.

22 ¶ La ciudad de los fuertes tomó el sabio, y derribó la fuerza en que ella confiaba.

23 ¶ El que guarda su boca y su lengua, su alma guarda de angustias.

24 ¶ Soberbio, arrogante y burlador es el nombre del que obra con la furia de la soberbia.

25 ¶ El deseo del perezoso le mata, porque sus manos no quieren trabajar.

26 Hay quien todo el día codicia; mas el justo da, y sigue dando.

27 ¶ El sacrificio de los impíos es abominación; ¡cuánto más ofreciéndolo con maldad!

28 ¶ El testigo mentiroso perecerá; mas el hombre que oye, permanecerá en su dicho.

29 ¶ El hombre impío endurece su rostro; mas el recto ordena sus caminos.

30 ¶ No hay sabiduría, ni inteligencia, ni consejo, contra el SEÑOR.

31 El caballo se apareja para el día de la batalla; mas la salvación es del SEÑOR.