Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Welcome to the new Bible Gateway. Take a quick tour and see what’s new.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
New Bible Gateway. Take the quick tour.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ADB1905
Version
Bible Books Bible Books
ADB1905
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Kawikaan 22  Ang Dating Biblia (1905)

22 Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.

2 Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat.

3 Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis.

4 Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

5 Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.

6 Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

7 Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

8 Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.

9 Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.

10 Itaboy mo ang manglilibak, at ang pagtatalo ay maalis; Oo, ang pagkakaalit at pagduwahagi ay matitigil.

11 Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, dahil sa biyaya ng kaniyang mga labi ay magiging kaniyang kaibigan ang hari.

12 Ang mga mata ng Panginoon ay nagiingat sa maalam: nguni't kaniyang ibinabagsak ang mga salita ng taksil.

13 Sinasabi ng tamad, may leon sa labas: mapapatay ako sa mga lansangan.

14 Ang bibig ng masasamang babae ay isang malalim na lungaw: siyang nayayamot sa Panginoon ay mabubuwal doon.

15 Ang kamangmangan ay nababalot sa puso ng bata; nguni't ilalayo sa kaniya ng pamalong pangsaway.

16 Ang pumipighati sa dukha upang magpalago ng kaniyang pakinabang, at ang nagbibigay sa mayaman, ay humahangga sa pangangailangan lamang.

17 Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman.

18 Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi.

19 Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo.

20 Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman;

21 Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?

22 Huwag kang magnakaw sa dukha, sapagka't siya'y dukha, ni pumighati man sa nagdadalamhati sa pintuang-bayan:

23 Sapagka't ipakikipaglaban ng Panginoon ang kanilang usap, at sasamsaman ng buhay yaong nagsisisamsam sa kanila.

24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:

25 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.

26 Huwag kang maging isa sa kanila na nakikikamay, o sa kanila na mangananagot sa mga utang:

27 Kung wala kang ikabayad, bakit kaniyang kukunin sa iyo ang iyong higaan?

28 Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa, na inilagay ng iyong mga magulang.

29 Nakikita mo ba ang taong masipag sa kaniyang gawain? siya'y tatayo sa harap ng mga hari: hindi siya tatayo sa harap ng mga taong hamak.

Next
Kawikaan 21
Kawikaan 23
Next
dropdown
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)

Public Domain

Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway