Add parallel Print Page Options

11 Makikita nila ang kahusayan ko sa paghatol,
at ako'y hahangaan ng mga tagapamahala.
12 Kapag ako'y nanahimik, hihintayin nila akong magsalita,
at kapag nagsalita ako, sila'y makikinig.
Kung ako man ay magsalita nang mahaba,
sila'y tatahimik.
13 Dahil sa Karunungan, hindi ako mamamatay,
sapagkat mag-iiwan ako ng alaalang mananatili sa isipan ng mga susunod sa akin.

Read full chapter