Add parallel Print Page Options

Mabuti(A) na ang walang anak ngunit malinis ang kalooban,
sapagkat ito ay napakahalaga sa mata ng Diyos at ng tao,
at ang may malinis na kalooban ay maaalala magpakailanman.
Ang taong ito ay nagiging huwaran,
at kapag ito'y nawala sa kanya ay tunay na hinahanap.
Ito ang pinakamahalagang gantimpala na maaaring makamit ng tao,
at pinakamainam na katangiang maaaring taglayin ng sinuman.
Ang mga anak sa pagkakasala, gaano man karami, ay hindi papakinabangan;
ang lahi nila ay di mapapanatag.

Read full chapter