Karunungan ni Solomon 10:5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tinulungan ng Karunungan si Abraham
5 Matapos(A) na ang mga bansa ay mabigo sa palalo nilang balak,
pumili ang Karunungan ng isang taong matuwid, na iningatan niyang walang-sala sa paningin ng Diyos.
Binigyan niya ang taong ito ng tibay ng kalooban, na sundin ang utos sa kanya ng Diyos, sa kabila ng pagmamahal niya sa kanyang anak.
Ecclesiastico 44:20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Sinunod niya ang utos ng Kataas-taasang Diyos,
at nakipagtipan siya sa Panginoon.
Dinala niya sa katawan ang tanda ng kanilang kasunduan,
at natagpuang tapat sa oras ng pagsubok.
Mga Hebreo 11:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Nang(A) subukin ng Diyos si Abraham, pananampalataya din ang nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang handog sa Diyos. Buong puso niyang inihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos 18 na(B) kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. 19 Naniwala siya na kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinghagang pangungusap, naibalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.
Read full chapter