Add parallel Print Page Options

Nilayuan ni Cain ang Karunungan

Ngunit(A) ang masama ay lumayo sa Karunungan,
at sa bugso ng galit ay pinatay ang kanyang kapatid,
at sa gayo'y ipinahamak ang sarili.

Iningatan ng Karunungan si Noe

Dahil(B) sa kasalanang iyon, ginunaw ang daigdig sa pamamagitan ng baha, ngunit iniligtas itong muli ng Karunungan.
Tinuruan niya ang isang taong matuwid na sumakay sa isang barkong yari sa kahoy na madaling masira.

Tinulungan ng Karunungan si Abraham

Matapos(C) na ang mga bansa ay mabigo sa palalo nilang balak,
pumili ang Karunungan ng isang taong matuwid, na iningatan niyang walang-sala sa paningin ng Diyos.
Binigyan niya ang taong ito ng tibay ng kalooban, na sundin ang utos sa kanya ng Diyos, sa kabila ng pagmamahal niya sa kanyang anak.

Read full chapter