Add parallel Print Page Options

12 Diyos ng aking ninuno, Diyos ng lahing Israel, Panginoon ng langit at lupa, lumikha ng karagatan, hari ng buong mundo—dinggin po ninyo ang aking dalangin. 13 Loobin(A) po ninyong sila'y masugatan at masaktan ng aking mga salitang may pandaraya; sapagkat masama ang binabalak nila sa inyong tipan at banal na tahanan, sa bundok ng Zion, at sa mga tahanang minana ng inyong mga anak. 14 Loobin din po ninyo na maunawaan ng buong bansa at bawat lipi, na kayo ang Diyos na Makapangyarihan at nananaig sa lahat, at walang iba pang makapagsasanggalang sa sambayanan ng Israel kundi kayo lamang.”

Read full chapter