Font Size
Judith 12:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Judith 12:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nanatiling Tapat si Judith sa Kanyang Relihiyon
12 Pagkatapos, iniutos ni Holofernes na dalhin si Judith sa kinalalagyan ng kanyang hapag na may nakahanda nang mga kagamitang pilak. Nagpahanda siya ng pagkain para sa babae at nagpalabas din ng alak mula sa mga pagkain at inuming nakalaan para sa kanyang sarili. 2 Subalit(A) tumanggi si Judith, “Hindi po ako makakakain niyan, dahil susuway ako sa aming kautusan. 3 Kakainin ko na lang po ang baon ko.”
Ngunit ang sabi ni Holofernes, “Kung maubos na ang baon mo, saan kami magpapakuha ng ganyan? Wala ka namang kalahi dito sa aming kampo.”
Read full chapter