士师记 21
Chinese New Version (Simplified)
为便雅悯人娶妻
21 以色列人在米斯巴曾经起誓说:“我们中间不可有人把自己的女儿嫁给便雅悯人作妻子。” 2 众人来到伯特利,在那里坐在 神面前直到晚上,放声大哭, 3 说:“耶和华以色列的 神啊,今日以色列中缺少了一个支派,为甚么在以色列中发生这事呢?” 4 次日,众人清早起来,在那里筑了一座祭坛,献上燔祭和平安祭。
5 以色列人彼此说:“以色列各支派中,谁没有与会众上到耶和华面前来呢?”因为他们曾经起过很严厉的誓,说:“不上米斯巴到耶和华面前的,必把他处死。” 6 以色列人为他们的兄弟便雅悯难过,说:“今天以色列中有一个支派被剪除了。 7 我们曾经指着耶和华起过誓,必不把我们的女儿给便雅悯人作妻子,那么现在我们当怎样办理,使他们剩下的人有妻子呢?”
8 他们又彼此问:“以色列各支派中,有谁没有上米斯巴到耶和华面前来的呢?”他们就发现基列.雅比中没有一人去到营中会众那里。 9 众人被数点的时候,就发现基列.雅比的居民中没有一人在那里。 10 因此会众从勇士中差派一万二千人到那里去,吩咐他们说:“你们去用刀击杀基列.雅比的居民,连妇女与孩子都要杀。 11 你们要这样行,你们要把所有的男子,和所有与男子同过房的女子,完全毁灭。” 12 他们在基列.雅比的居民中,找到了四百个未曾与人同房,也未曾与男子同寝的年轻少女,就把她们带到迦南地的示罗营那里。
13 全体会众又派人到临门的盘石那里,对便雅悯人说话,向他们宣告和平。 14 那时便雅悯人回来了,以色列人就把他们保留的基列.雅比的女子给他们作妻子,但还是不够。 15 众人为便雅悯人难过,因为耶和华使以色列众支派中有了缺口。
16 会众中的长老说:“便雅悯的女子既然都被除灭了,我们应怎样行,使那些余下的人有妻子呢?” 17 又说:“便雅悯逃脱的人应有地业,免得有个支派从以色列中被消灭。 18 但是我们不能把我们自己的女儿给他们作妻子。”因为以色列人曾经起誓说:“把女儿给便雅悯人作妻子的,是可咒诅的。”
19 他们又说:“看哪,每年在示罗都举行耶和华的节期;示罗就是在伯特利的北面,从伯特利上示剑的大路的东面,在利波拿的南面。” 20 于是他们吩咐便雅悯人说:“你们去在葡萄园中设下埋伏; 21 在那里观看,示罗的女子出来跳舞的时候,你们就从葡萄园出来,从示罗的女子中,各抢一个作妻子,然后回便雅悯地去。 22 如果她们的父亲或是兄弟来与我们争论,我们就对他们说:‘求你们恩待他们吧,因为我们在战场上没有给他们留下女子作妻子,而且这次又不是你们把女儿给他们;若是你们给的,你们就有罪了。’” 23 于是便雅悯人照样行了:按着他们的数目,从跳舞的女子中强抢她们作妻子,然后离开那里,回到自己的地业去,重建城市,住在其中。 24 那时,以色列人离开那里,各人回到自己的支派和自己的家族去;他们离开那里,各人回到自己的地业去。
25 在那些日子,以色列中没有王,各人都行自己看为对的事。
Hukom 21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Asawa para sa mga taga-Benjamin
21 Doon sa Mizpa, nangako ang mga Israelita na hindi na nila papayagang mag-asawa ang mga anak nilang babae ng mga taga-Benjamin. 2 Pagkatapos, pumunta ang mga Israelita sa Betel at umiyak nang malakas sa presensya ng Dios hanggang gabi. 3 Sinabi nila, “O Panginoon, Dios ng Israel, bakit po ba nangyari ito? Ngayon, nabawasan na ng isang lahi ang Israel!”
4 Kinaumagahan, gumawa sila ng altar at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon. 5 Pagkatapos, nagtanong sila, “May lahi ba ng Israel na hindi dumalo nang nagtipon tayo sa presensya ng Panginoon sa Mizpa?” Nang panahong iyon naipangako nila sa presensya ng Panginoon, na ang sinumang hindi dadalo roon ay papatayin.
6 Nalungkot ang mga Israelita sa mga kadugo nilang lahi ni Benjamin. Sinabi nila, “Nabawasan ng isang lahi ang Israel. 7 Saan pa tayo makakakita ng mapapangasawa ng mga natirang lahi ni Benjamin? Nangako kasi tayo na hindi natin papayagang mapangasawa nila ang mga anak nating babae.”
8 Nang nagtanong sila kung may lahi ng Israel na hindi nakasama nang nagtipon sila sa presensya ng Panginoon sa Mizpa, nalaman nilang hindi dumalo ang mga taga-Jabes Gilead. 9 Dahil nang binilang ang mga tao, wala ni isa mang mga taga-Jabes Gilead ang nandoon. 10-11 Kaya pumili ang mga mamamayan ng 12,000 matatapang na sundalo, at pinapunta sa Jabes Gilead para lipulin ang mga taga-roon, bata man o matanda, lalaki o babae, maliban lang sa mga dalaga. 12 At doon, nakakita sila ng 400 dalagang birhen at dinala nila ito sa kampo nila sa Shilo na sakop ng Canaan.
13 Pagkatapos, nagsugo ang buong sambayanan ng Israel ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin na nagtatago sa Bato ng Rimon. Sinabi sa kanila ng mga mensahero na handa nang makipagkasundo sa kanila ang mga kapwa nila Israelita. 14 Kaya umuwi ang mga lahi ni Benjamin at ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga dalagang taga-Jabes Gilead. Pero kulang pa ang mga dalaga para sa kanila.
15 Nalungkot ang mga Israelita sa nangyari sa mga lahi ni Benjamin dahil binawasan ng Panginoon ng isang lahi ang Israel. 16 Kaya nag-usap-usap ang mga tagapamahala sa mga mamamayan ng Israel. Sinabi nila, “Wala nang natirang babae na lahi ni Benjamin. Ano ba ang gagawin natin para makapag-asawa ang natira nilang mga lalaki? 17 Kailangang magpatuloy ang lahi nila para hindi mawala ang lahi ni Benjamin. 18 Pero hindi natin mapapayagang mapangasawa nila ang mga anak nating babae dahil nakapangako na tayo na ang gagawa nito ay susumpain.”
19 Pagkatapos, naalala nila na malapit na pala ang taunang pista para sa Panginoon na ginaganap sa Shilo. (Ang Shilo ay nasa hilaga ng Betel, sa timog ng Lebona, at sa silangan ng daang mula sa Betel papunta sa Shekem.) 20 Sinabi nila sa mga lahi ni Benjamin, “Magtago kayo sa mga ubasan, 21 at bantayan nʼyo ang mga dalagang taga-Shilo. Kapag dumaan sila roon para sumayaw sa pista, lumabas kayo sa taniman at kumuha ng mapapangasawa ninyo at dalhin sa inyong lugar. 22 Kung magrereklamo sa amin ang kanilang mga ama o mga kapatid na lalaki, ito ang sasabihin namin sa kanila, ‘Nakikiusap kami na pabayaan nʼyo na lang sila dahil kulang ang mga dalagang nakuha natin noong lusubin natin ang Jabes Gilead. Wala kayong pananagutan dahil hindi naman kayo pumayag na mapangasawa ng mga lahi ni Benjamin ang mga anak ninyong babae.’ ”
23 Kaya ginawa ito ng mga taga-Benjamin. Nagsikuha sila ng mga dalagang sumasayaw, at dinala pauwi bilang asawa. Pagdating nila sa kanilang lupain, ipinatayo nilang muli ang mga bayan nila at doon sila tumira. 24 Umuwi rin ang iba pang mga Israelita sa sarili nilang lupain at sa sarili nilang angkan at pamilya.
25 Nang panahong iyon, walang hari sa Israel, kaya ang bawat isa ay gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®