Add parallel Print Page Options

Nang makipaglaban si arkanghel Miguel sa diyablo, nakipagtalo siya patungkol sa bangkay ni Moises. Sa kaniyang pakikipagtalo ay hindi siya nangahas na magbigay ng mapanglait na paghatol. Sa halip ay sinabi niya: Sawayin ka ng Panginoon. 10 Ngunit nilalait ng mga taong ito ang mga bagay na hindi nila nalalaman. Ngunit ang mga bagay na likas nilang nauunawaan ay ginagamit nila sa kanilang sariling kasiraan, tulad ng mga hayop na walang pag-iisip.

11 Sa aba nila! Ito ay sapagkat sumunod sila sa daan ni Cain. At sa pagnanais nila ng kabayarang salapi, bumulusok sila sa kalikuan ni Balaam. At gaya ni Core sila ay naghimagsik at nalipol.

Read full chapter