Add parallel Print Page Options

Ganyan din ang mga taong ito, dahil sa kanilang mga pangitain ay dinudungisan nila ang[a] kanilang sariling katawan, hinahamak nila ang maykapangyarihan at nilalait ang mariringal na anghel. Kahit(A) si Miguel na pinuno ng mga anghel, nang makipagtalo siya sa diyablo tungkol sa bangkay ni Moises, ay hindi nangahas gumamit ng paglapastangan. Ang tanging sinabi niya ay, “Parusahan ka nawa ng Panginoon!” 10 Ngunit nilalapastangan ng mga taong ito ang anumang hindi nila nauunawaan. Sila ay tulad ng mga hayop na ang sinusunod lamang ay ang kanilang damdamin, na siya namang magpapahamak sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 8 dinudungisan nila ang: o kaya'y nagkakasala sila sa .