Font Size
Juan 9:6-8
Ang Salita ng Diyos
Juan 9:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Pagkasabi niya nito ay lumura siya sa lupa. Gumawa siya ng putik mula sa lura. Kaniyang ipinahid sa mga mata ng bulag ang putik. 7 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Pumunta ka sa malaking dakong paliguan ng Siloe at maghugas ka. Ang ibig sabihin ng salitang Siloe ay sinugo. Siya nga ay pumunta at naghugas at bumalik na nakakakita na.
8 Nakita ng mga kapitbahay at ng ibang mga tao ang lalaki na dating bulag. Kaya nga, sinabi nila: Hindi ba ito iyong nakaupo at namamalimos?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International