Add parallel Print Page Options

30 Sumagot ang lalaki at sinabi sa kanila: Tunay na ito ay kamangha-manghang bagay. Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling. Gayunman ay iminulat niya ang aking mga mata. 31 Alam natin na hindi dinirinig ng Diyos ang mga makasa­lanan. Kung ang sinuman ay sumasamba sa Diyos at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya ang dinirinig ng Diyos. 32 Sa pasimula pa ng panahon ay hindi pa narinig na may sinumang nakapagpamulat ng mga mata ng isang ipinanganak na bulag.

Read full chapter