Add parallel Print Page Options

21 Hindi namin alam kung papaanong nakakakita na siya ngayon. Hindi namin alam kung sino ang nagmulat ng kaniyang mga mata. Siya ay nasa hustong gulang na kaya tanungin ninyo siya. Makakapagsalita siya patungkol sa kaniyang sarili. 22 Ito ang sinabi ng kaniyang mga magulang dahil natatakot sila sa mga Judio. Ito ay sapagkat napagka­isahan na ng mga Judio na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus ang Mesiyas siya ay ititiwalag sa sinagoga. 23 Dahildito sinabi ng kaniyang mga magulang: Siya ay nasa hustong gulang na, tanungin ninyo siya.

Read full chapter