Add parallel Print Page Options

Ang Babaeng Nagkakasala ng Pangangalunya

Si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo.

Sa pagbubukang-liwayway, siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya. Siya ay umupo at tinuruan sila. Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga Fariseo ang isang babae na nahuling nangangalunya. Inilagay nila siya sa kalagitnaan. Sinabi nila sa kaniya: Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa paggawa ng pangangalunya. Iniutos sa amin ni Moises sa kautusan na batuhin ang katulad nito. Ano ang masasabi mo? Ito ay kanilang sinabi upang subukin siya nang mayroon silang maiparatang laban sa kaniya.

Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri.

Sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya. Sinabi niya sa kanila: Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya. Siya ay muling yumukod at sumulat sa lupa.

Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay isa-isang lumabas, simula sa mata­tanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si Jesus gayundin ang babae na nakatayo sa kalagitnaan. 10 Nang tumindig si Jesus ay wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?

11 Sinabi niya: Wala, Ginoo.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.

Tunay ang Patotoo ni Jesus

12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng sanlibutan. Siya na sumusunodsa akin ay hindi lalakad kailanman sa kadiliman. Siya ay magkakaroon ng ilaw ng buhay.

13 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kaniya: Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo ay hindi totoo.

14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko naman ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao. Wala akong hinahatulang sinuman. 16 Ngayong humahatol ako, ang aking hatol ay totoo dahil ako ay hindi nag-iisa. Kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin. 17 Nasusulat din sa inyong kautusan, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo. 18 Ako ang nagpapatotoo sa aking sarili at ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo patungkol sa akin.

19 Sinabi nga nila sa kaniya: Nasaan ang iyong Ama?

Sumagot si Jesus: Hindi ninyo ako nakikilala, ni ang aking Ama. Kung nakilala ninyo ako ay nakikilala rin ninyo ang aking Ama.

20 Ang mga salitang ito ay sinabi ni Jesus nang siya ay nagtuturo sa templo. Sila ay nasa silid na pinaglalagyan ng mga kaloob. Walang taong dumakip sa kaniya sapagkat hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

21 Muling sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ay aalis at hahanapin ninyo ako. Kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makakapunta sa aking pupuntahan.

22 Sinabi nga ng mga Judio: Magpapakamatay ba siyakaya niya sinabi: Sa aking pupuntahan ay hindi kayo makakapunta?

23 Sinabi niya sa kanila: Kayo ay mga taga-ibaba, ako ay taga-itaas. Kayo ay mga taga-sanlibutan, ako ay hindi taga-sanlibutan. 24 Sinasabi ko nga sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan. Ito ay sapagkat kung hindi kayo sumampalataya na ako nga iyon, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.

25 Sinabi nga nila sa kaniya: Sino ka ba?

Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako yaong sinabi ko sa inyo nang pasimula pa.

26 Marami akong mga bagay na sasabihin at ihahatol sa inyo. Siya na nagsugo sa akin ay totoo. Kung ano ang narinig ko mula sa kaniya ay sinasabi ko sa sanlibutan.

27 Hindi nila naunawaan na ang sinabi niya sa kanila ay patungkol sa Ama. 28 Kaya nga, sinabi ni Jesus sa kanila: Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng tao ay saka ninyo makikilala na ako nga siya. Malalaman ninyo na wala akong ginagawa nang sa sarili ko. Subalit kung papaano ako tinuturuan ng Ama ay gayunding sinasabi ko ang mga bagay na ito. 29 Siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi ako iniwang mag-isa ng Ama sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya. 30 Habang sinabi niya ang mga bagay na ito, marami ang sumampalataya sa kaniya.

Ang mga Anak ni Abraham

31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad.

32 Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

33 Sila ay sumagot sa kaniya: Kami ay lahi ni Abraham at kailanman ay hindi naging alipin ninuman. Papaano mo nasabi na kami ay magiging malaya?

34 Sumagot si Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan. 35 Ang alipin ay hindi nananatili sa bahay magpakailanman. Ang anak ay nananatili magpakailanman. 36 Kung palalayain nga kayo ng anak, tunay na kayo ay magiging malaya. 37 Nalalaman ko na kayo ay lahi ni Abraham ngunit naghahanap kayo ng pagkakataon na ako ay patayin. Ito ay sapagkat ang aking salita ay walang puwang sa inyo. 38 Sinasabi ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama. Ginagawa naman ninyo ang mga bagay na nakita ninyo sa inyong ama.

39 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya: Si Abraham ang aming ama.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Yamang kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.

40 Ngunit ngayon ay naghahanap kayo ng pagkakataon upang ako ay patayin. Ako ang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hindi ginawa ni Abraham. 41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama.

Sinabi nga nila sa kaniya: Kami ay hindi ipinanganak sa pakikiapid. Kami ay mayroong isang ama, ang Diyos.

Ang mga Anak ng Diyablo

42 Sinabi nga ni Jesus sa kanila: Kung ang Diyos ang inyong Ama, ibigin sana ninyo ako sapagkat ako ay nagmula at dumating mula sa Diyos. Hindi ako narito sa aking sarili kundi sinugo niya ako.

43 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi ninyo magawang dinggin ang aking salita. 44 Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga masasamang hangarin ng inyong ama ang nais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang pasimula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan. 45 Dahil nagsasabi ako sa inyo ng katoto­hanan, hindi kayo sumasampalataya sa akin. 46 Sino sa inyo ang susumbat sa akin patungkol sa kasalanan? Kung ako ay nagsasabi ng katotohanan, bakit hindi kayo sumasam­palataya sa akin? 47 Siya na nasa Diyos ay nakikinig ng mga salita ng Diyos. Kaya nga, hindi kayo nakikinig ay sapagkat hindi kayo sa Diyos.

Si Jesus ay Nagpahayag Patungkol sa Kaniyang Sarili

48 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya: Hindi ba tama ang aming sinabi na ikaw ay taga-Samaria at mayroong demonyo?

49 Sumagot si Jesus: Wala akong demonyo. Niluluwalhati ko ang aking Ama at sinisira naman ninyo ang aking kaluwal­hatian. 50 Hindi ko hinahanap ang aking kaluwalhatian. May isang naghahanap nito at humahatol. 51 Katotohanan, katoto­hanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang tutupad sa aking salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman.

52 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Ngayon ay alam na namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay. Sinasabi mo na kung ang sinuman ay tutupad ng iyong salita ay hindi makakaranas ng kamatayan magpakailanman. 53 Mas dakila ka pa ba kaysa sa aming amang si Abraham? Siya ay namatay, gayundin ang mga propeta. Ano ba ang palagay mo sa iyong sarili?

54 Sumagot si Jesus: Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang aking kaluwalhatian ay walang kabuluhan. Ang aking Ama ang siyang lumuluwalhati sa akin. Siya ang sinasabi ninyong inyong Diyos. 55 Hindi ninyo siya kilala ngunit kilala ko siya. Kapag sinabi kong hindi ko siya kilala ay magiging sinungaling akong tulad ninyo. Kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita. 56 Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita niya ang aking araw. Nakita niya ito at siya ay natuwa.

57 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya: Wala ka pang limampung taong gulang at nakita mo na si Abraham?

58 Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bago pa si Abraham ay ako na. 59 Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay nagtago. Sa paglabas niya sa templo ay dumaan siya sa kalagitnaan nila sa ganoong paraan.

But Jesus went to the Mount of Olives.

Early in the morning (at dawn), He came back into the temple [[a]court], and the people came to Him in crowds. He sat down and was teaching them,

When the scribes and Pharisees brought a woman who had been caught in adultery. They made her stand in the middle of the court and put the case before Him.

Teacher, they said, This woman has been caught in the very act of adultery.

Now Moses in the Law commanded us that such [women—offenders] shall be stoned to death. But what do You say [to do with her—what is Your sentence]?(A)

This they said to try (test) Him, hoping they might find a charge on which to accuse Him. But Jesus stooped down and wrote on the ground with His finger.

However, when they persisted with their question, He raised Himself up and said, Let him who is without sin among you be the first to throw a stone at her.

Then He bent down and went on writing on the ground with His finger.

They listened to Him, and then they began going out, conscience-stricken, one by one, from the oldest down to the last one of them, till Jesus was left alone, with the woman standing there before Him in the center of the court.

10 When Jesus raised Himself up, He said to her, Woman, where are your accusers? Has no man condemned you?

11 She answered, No one, Lord! And Jesus said, I do not condemn you either. Go on your way and from now on sin no more.

12 Once more Jesus addressed the crowd. He said, I am the Light of the world. He who follows Me will not be walking in the dark, but will have the Light which is Life.

13 Whereupon the Pharisees told Him, You are testifying on Your own behalf; Your testimony is not valid and is worthless.

14 Jesus answered, Even if I do testify on My own behalf, My testimony is true and reliable and valid, for I know where I came from and where I am going; but you do not know where I come from or where I am going.

15 You [set yourselves up to] judge according to the flesh (by what you see). [You condemn by external, human standards.] I do not [set Myself up to] judge or condemn or sentence anyone.

16 Yet even if I do judge, My judgment is true [My decision is right]; for I am not alone [in making it], but [there are two of Us] I and the Father, Who sent Me.

17 In your [own] Law it is written that the testimony (evidence) of two persons is reliable and valid.(B)

18 I am One [of the Two] bearing testimony concerning Myself; and My Father, Who sent Me, He also testifies about Me.

19 Then they said to Him, Where is this [b]Father of Yours? Jesus answered, You know My Father as little as you know Me. If you knew Me, you would know My Father also.

20 Jesus said these things in the treasury while He was teaching in the temple [[c]court]; but no one ventured to arrest Him, because His hour had not yet come.

21 Therefore He said again to them, I am going away, and you will be looking for Me, and you will die in (under the curse of) your sin. Where I am going, it is not possible for you to come.

22 At this the Jews began to ask among themselves, Will He kill Himself? Is that why He says, Where I am going, it is not possible for you to come?

23 He said to them, You are from below; I am from above. You are of this world (of this earthly order); I am not of this world.

24 That is why I told you that you will die in (under the curse of) your sins; for if you do not believe that I am He [Whom I claim to be—if you do not adhere to, trust in, and rely on Me], you will die in your sins.

25 Then they said to Him, Who are You anyway? Jesus replied, [Why do I even speak to you!] I am exactly what I have been telling you from the first.

26 I have much to say about you and to judge and condemn. But He Who sent Me is true (reliable), and I tell the world [only] the things that I have heard from Him.

27 They did not perceive (know, understand) that He was speaking to them about the Father.

28 So Jesus added, When you have lifted up the Son of Man [on the cross], you will realize (know, understand) that I am He [for Whom you look] and that I do nothing of Myself (of My own accord or on My own authority), but I say [exactly] what My Father has taught Me.

29 And He Who sent Me is ever with Me; My Father has not left Me alone, for I always do what pleases Him.

30 As He said these things, many believed in Him [trusted, relied on, and adhered to Him].

31 So Jesus said to those Jews who had believed in Him, If you abide in My word [hold fast to My teachings and live in accordance with them], you are truly My disciples.

32 And you will know the Truth, and the Truth will set you free.

33 They answered Him, We are Abraham’s offspring (descendants) and have never been in bondage to anybody. What do You mean by saying, You will be set free?

34 Jesus answered them, I assure you, most solemnly I tell you, Whoever commits and practices sin is the slave of sin.

35 Now a slave does not remain in a household permanently (forever); the son [of the house] does remain forever.

36 So if the Son liberates you [makes you free men], then you are really and unquestionably free.

37 [Yes] I know that you are Abraham’s offspring; yet you plan to kill Me, because My word has no entrance (makes no progress, does not find any place) in you.

38 I tell the things which I have seen and learned at My Father’s side, and your actions also reflect what you have heard and learned from your father.

39 They retorted, Abraham is our father. Jesus said, If you were [truly] Abraham’s children, then you would do the works of Abraham [follow his example, do as Abraham did].

40 But now [instead] you are wanting and seeking to kill Me, a Man Who has told you the truth which I have heard from God. This is not the way Abraham acted.

41 You are doing the works of your [own] father. They said to Him, We are not illegitimate children and born out of fornication; we have one Father, even God.

42 Jesus said to them, If God were your Father, you would love Me and respect Me and welcome Me gladly, for I proceeded (came forth) from God [out of His very presence]. I did not even come on My own authority or of My own accord (as self-appointed); but He sent Me.

43 Why do you misunderstand what I say? It is because you are unable to hear what I am saying. [You cannot bear to listen to My message; your ears are shut to My teaching.]

44 You are of your father, the devil, and it is your will to practice the lusts and gratify the desires [which are characteristic] of your father. He was a murderer from the beginning and does not stand in the truth, because there is no truth in him. When he speaks a falsehood, he speaks what is natural to him, for he is a liar [himself] and the father of lies and of all that is false.

45 But because I speak the truth, you do not believe Me [do not trust Me, do not rely on Me, or adhere to Me].

46 Who of you convicts Me of wrongdoing or finds Me guilty of sin? Then if I speak truth, why do you not believe Me [trust Me, rely on, and adhere to Me]?

47 Whoever is of God listens to God. [Those who belong to God hear the words of God.] This is the reason that you do not listen [to those words, to Me]: because you do not belong to God and are not of God or in harmony with Him.

48 The Jews answered Him, Are we not right when we say You are a Samaritan and that You have a demon [that You are under the power of an evil spirit]?

49 Jesus answered, I am not possessed by a demon. On the contrary, I honor and reverence My Father and you dishonor (despise, vilify, and scorn) Me.

50 However, I am not in search of honor for Myself. [I do not seek and am not aiming for My own glory.] There is One Who [looks after that; He] seeks [My glory], and He is the Judge.

51 I assure you, most solemnly I tell you, if anyone observes My teaching [lives in accordance with My message, keeps My word], he will by no means ever see and experience death.

52 The Jews said to Him, Now we know that You are under the power of a demon ([d]insane). Abraham died, and also the prophets, yet You say, If a man keeps My word, he will never taste of death into all eternity.

53 Are You greater than our father Abraham? He died, and all the prophets died! Who do You make Yourself out to be?

54 Jesus answered, If I were to glorify Myself (magnify, praise, and honor Myself), I would have no real glory, for My glory would be nothing and worthless. [My honor must come to Me from My Father.] It is My Father Who glorifies Me [Who extols Me, magnifies, and praises Me], of Whom you say that He is your God.

55 Yet you do not know Him or recognize Him and are not acquainted with Him, but I know Him. If I should say that I do not know Him, I would be a liar like you. But I know Him and keep His word [obey His teachings, am faithful to His message].

56 Your forefather Abraham was extremely happy at the hope and prospect of seeing My day (My incarnation); and he did see it and was delighted.(C)

57 Then the Jews said to Him, You are not yet fifty years old, and have You seen Abraham?

58 Jesus replied, I assure you, most solemnly I tell you, before Abraham was born, I Am.(D)

59 So they took up stones to throw at Him, but Jesus, by mixing with the crowd, concealed Himself and went out of the temple [[e]enclosure].

Footnotes

  1. John 8:2 Richard Trench, Synonyms of the New Testament.
  2. John 8:19 Capitalized because of Who He is, the everlasting Father, not who the speaker may have thought He was.
  3. John 8:20 Richard Trench, Synonyms of the New Testament.
  4. John 8:52 Joseph Thayer, A Greek-English Lexicon.
  5. John 8:59 Richard Trench, Synonyms of the New Testament.