Add parallel Print Page Options

43 Bakit hindi ninyo nauunawaan ang aking pananalita? Ang dahilan ay hindi ninyo magawang dinggin ang aking salita. 44 Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga masasamang hangarin ng inyong ama ang nais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang pasimula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan. 45 Dahil nagsasabi ako sa inyo ng katoto­hanan, hindi kayo sumasampalataya sa akin.

Read full chapter