Add parallel Print Page Options

20 Sinalita niya ang mga salitang ito sa (A)dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at (B)walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.

21 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at (C)ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.

22 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y (D)magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.

Read full chapter