Font Size
Juan 8:12-14
Ang Salita ng Diyos
Juan 8:12-14
Ang Salita ng Diyos
Tunay ang Patotoo ni Jesus
12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Ako ang ilaw ng sanlibutan. Siya na sumusunodsa akin ay hindi lalakad kailanman sa kadiliman. Siya ay magkakaroon ng ilaw ng buhay.
13 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kaniya: Nagpapatotoo ka sa iyong sarili. Ang iyong patotoo ay hindi totoo.
14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko naman ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International