Add parallel Print Page Options

Mga Daloy ng Tubig na Buháy

37 Nang(A) huling araw ng dakilang araw ng pista, si Jesus ay tumayo at sumigaw na nagsasabi, “Kung ang sinuman ay nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom.

38 Ang(B) sumasampalataya sa akin,[a] gaya ng sinasabi ng kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso[b] ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.’”

39 Ngunit ito'y sinabi niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya, sapagkat hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu, sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 7:38 o lumapit sa akin at ang sumampalataya sa akin ay uminom .
  2. Juan 7:38 Sa Griyego ay Mula sa kanyang tiyan .