Add parallel Print Page Options

35 Ang mga Judio nga'y nangagsangusapan, Saan paroroon ang taong ito na hindi natin siya masusumpungan? siya kaya'y paroroon sa (A)nagsisipangalat sa gitna ng mga (B)Griego, at magtuturo sa mga Griego?

36 Ano ang salitang ito na kaniyang sinabi, Hahanapin ninyo ako, at hindi ninyo ako masusumpungan; at kung saan ako naroroon, ay hindi kayo makaparoroon?

37 Nang huling araw nga, na (C)dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, (D)Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at uminom.

Read full chapter