Add parallel Print Page Options

33 Sinabi ni Jesus, “Makakasama pa ninyo ako ng kaunting panahon, at ako'y paroroon sa nagsugo sa akin.

34 Hahanapin ninyo ako, ngunit hindi ninyo ako matatagpuan, at kung saan ako naroroon ay hindi kayo makakapunta roon.”

35 Kaya't sinabi ng mga Judio sa isa't isa, “Saan pupunta ang taong ito na hindi natin siya matatagpuan? Pupunta kaya siya sa mga lupain kung saan nagkalat[a] ang ating mga kababayan sa lupain ng mga Griyego at magtuturo sa mga Griyego?

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 7:35 Sa Griyego ay Dispersiyon .