Add parallel Print Page Options

Ang Pagpapakain sa Limanlibo(A)

Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio. Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, “Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?” Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.

Sumagot naman si Felipe, “Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak[a] ng tinapay ay di sasapat para makakain sila nang tigkakaunti.”

Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, “Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?” 10 “Paupuin ninyo ang mga tao,” sabi ni Jesus. Madamo sa lugar na iyon. Umupo nga ang mga tao; sa kanila'y may humigit-kumulang sa limanlibo ang mga lalaki. 11 Kinuha ni Jesus ang tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos ay ipinamahagi iyon sa mga taong nakaupo. Gayundin ang ginawa niya sa mga isda. Nakakain ang lahat at nabusog. 12 Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang.” 13 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakapuno sila ng labindalawang kaing mula sa limang tinapay na sebada.

14 Nang makita ng mga tao ang himalang ginawa ni Jesus, sinabi nila, “Tunay na ito ang Propetang darating sa sanlibutan!” 15 Napansin ni Jesus na lalapitan siya ng mga tao at pipilitin siyang gawing hari, kaya't umalis siyang muli at mag-isang umakyat sa bundok.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig(B)

16 Nang magtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa. 17 Sumakay sila sa bangka at naglayag papuntang Capernaum. Madilim na'y wala pa si Jesus. 18 Lumakas ang hangin at lumaki ang alon. 19 Nang makasagwan na sila nang may lima o anim na kilometro, nakita nila si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa bangka, at sila'y natakot. 20 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito!” 21 Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Jesus; at kaagad na nakarating ang bangka sa kanilang pupuntahan.

Hinanap ng mga Tao si Jesus

22 Kinabukasan, nakita ng mga taong naiwan sa dalampasigan na iisa lamang ang bangkang naroon. Nalaman nilang si Jesus ay hindi kasama ng mga alagad nang ang mga ito'y sumakay sa bangka dahil ang mga ito lamang ang umalis. 23 Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at dumaong sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat ang Panginoon. 24 Kaya't nang makita nilang wala roon si Jesus at ang kanyang mga alagad, sila'y sumakay sa mga bangka at pumunta sa Capernaum upang hanapin si Jesus.

Si Jesus ang Tinapay na Nagbibigay-buhay

25 Nang makita nila si Jesus sa ibayo ng lawa, siya'y tinanong nila, “Guro, kailan pa kayo rito?”

26 Sumagot si Jesus, “Totoo ang sinasabi kong ito: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. 27 Huwag(C) ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat ipinapakita ng Diyos Ama na siya ang may ganitong karapatan.”

28 Kaya't siya'y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming matupad ang ipinapagawa ng Diyos?”

29 “Ito ang ipinapagawa sa inyo ng Diyos, sumampalataya kayo sa sinugo niya,” tugon ni Jesus.

30 “Ano pong himala ang maipapakita ninyo upang sumampalataya kami sa inyo? Ano po ang inyong gagawin? 31 Ang(D) aming mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang; ayon sa nasusulat, ‘Sila'y binigyan niya ng tinapay na galing sa langit,’” sabi nila.

32 Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit. Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay na galing sa Diyos ay ang bumabâ mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sangkatauhan.”

34 Sumagot sila, “Ginoo, bigyan po ninyo kaming lagi ng tinapay na ito.”

35 Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. 36 Ngunit sinabi ko na sa inyo, nakita na ninyo ako, ngunit hindi pa rin kayo sumasampalataya sa akin. 37 Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama, at hinding-hindi ko itataboy kailanman ang sinumang lumalapit sa akin. 38 Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. 39 At ito ang kanyang kalooban: ang huwag kong hayaang mapahamak ang kahit sinuman sa mga ibinigay niya sa akin, kundi ang buhayin ko silang muli sa huling araw. 40 Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng nakakakita sa Anak at sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila'y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

41 Nagbulung-bulungan ang mga Judio dahil sa sinabi niyang, “Ako ang tinapay na bumabâ mula sa langit.” 42 Sinabi nila, “Hindi ba ito si Jesus na anak ni Jose? Kilala natin ang kanyang ama't ina. Paano niya masasabi ngayong bumabâ siya mula sa langit?” 43 Kaya't sinabi ni Jesus, “Tigilan ninyo ang inyong bulung-bulungan. 44 Walang makakalapit sa akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin. At ang lumalapit sa akin ay muli kong bubuhayin sa huling araw. 45 Nasusulat(E) sa aklat ng mga propeta, ‘At silang lahat ay tuturuan ng Diyos.’ Ang bawat nakikinig sa Ama at natututo sa kanya ay lumalapit sa akin. 46 Hindi ito nangangahulugang may nakakita na sa Ama; ang nagmula sa Diyos ang tanging nakakita sa Ama. 47 Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa akin ay may buhay na walang hanggan. 48 Ako ang tinapay ng buhay. 49 Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. 50 Narito ang tinapay na bumabâ mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. 51 Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay na ibibigay ko upang mabuhay ang sanlibutan ay ang aking laman.”

52 Dahil dito'y nagtalu-talo ang mga Judio, “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?”

53 Sinabi ni Jesus, “Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. 55 Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. 56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya. 57 Isinugo ako ng buháy na Ama at ako'y nabubuhay dahil sa kanya. Gayundin naman, ang sinumang kumakain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. 58 Ito ang tinapay na bumabâ mula sa langit. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga ninuno sa ilang; namatay sila kahit na kumain niyon. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”

59 Sinabi ito ni Jesus sa sinagoga habang siya'y nagtuturo sa Capernaum.

Mga Salita tungkol sa Buhay na Walang Hanggan

60 Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makakatanggap nito?”

61 Kahit walang nagsasabi kay Jesus, alam niya na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito. Kaya't sinabi niya, “Dahil ba rito'y tatalikuran na ninyo ako? 62 Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao papunta sa dati niyang kinaroroonan? 63 Ang(F) Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at ito ang nagbibigay-buhay. 64 Ngunit may ilan sa inyong hindi sumasampalataya.” Alam na ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi mananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. 65 Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makakalapit sa akin malibang ito'y loobin ng Ama.”

66 Mula noo'y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. 67 Tinanong ni Jesus ang Labindalawa, “At kayo, gusto rin ba ninyong umalis?”

68 Sumagot(G) si Simon Pedro, “Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. 69 Naniniwala kami at natitiyak namin na kayo nga ang Banal na mula sa Diyos.”

70 Sumagot si Jesus, “Hindi ba't ako ang humirang sa inyong Labindalawa at ang isa sa inyo ay diyablo!” 71 Ang tinutukoy niya'y si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagkat siya na kabilang sa Labindalawa ay magkakanulo sa kanya.

Footnotes

  1. Juan 6:7 SALAPING PILAK: Ito ay katumbas ng maghapong sahod ng isang karaniwang manggagawa.

Feeding the Five Thousand

After this Jesus went to the other side of the Sea of Galilee, which is the Sea of Tibe′ri-as. And a multitude followed him, because they saw the signs which he did on those who were diseased. Jesus went up on the mountain, and there sat down with his disciples. Now the Passover, the feast of the Jews, was at hand. Lifting up his eyes, then, and seeing that a multitude was coming to him, Jesus said to Philip, “How are we to buy bread, so that these people may eat?” This he said to test him, for he himself knew what he would do. Philip answered him, “Two hundred denarii[a] would not buy enough bread for each of them to get a little.” One of his disciples, Andrew, Simon Peter’s brother, said to him, “There is a lad here who has five barley loaves and two fish; but what are they among so many?” 10 Jesus said, “Make the people sit down.” Now there was much grass in the place; so the men sat down, in number about five thousand. 11 Jesus then took the loaves, and when he had given thanks, he distributed them to those who were seated; so also the fish, as much as they wanted. 12 And when they had eaten their fill, he told his disciples, “Gather up the fragments left over, that nothing may be lost.” 13 So they gathered them up and filled twelve baskets with fragments from the five barley loaves, left by those who had eaten. 14 When the people saw the sign which he had done, they said, “This is indeed the prophet who is to come into the world!”

15 Perceiving then that they were about to come and take him by force to make him king, Jesus withdrew again to the mountain by himself.

Jesus Walks on the Water

16 When evening came, his disciples went down to the sea, 17 got into a boat, and started across the sea to Caper′na-um. It was now dark, and Jesus had not yet come to them. 18 The sea rose because a strong wind was blowing. 19 When they had rowed about three or four miles,[b] they saw Jesus walking on the sea and drawing near to the boat. They were frightened, 20 but he said to them, “It is I; do not be afraid.” 21 Then they were glad to take him into the boat, and immediately the boat was at the land to which they were going.

The Bread from Heaven

22 On the next day the people who remained on the other side of the sea saw that there had been only one boat there, and that Jesus had not entered the boat with his disciples, but that his disciples had gone away alone. 23 However, boats from Tibe′ri-as came near the place where they ate the bread after the Lord had given thanks. 24 So when the people saw that Jesus was not there, nor his disciples, they themselves got into the boats and went to Caper′na-um, seeking Jesus.

25 When they found him on the other side of the sea, they said to him, “Rabbi, when did you come here?” 26 Jesus answered them, “Truly, truly, I say to you, you seek me, not because you saw signs, but because you ate your fill of the loaves. 27 Do not labor for the food which perishes, but for the food which endures to eternal life, which the Son of man will give to you; for on him has God the Father set his seal.” 28 Then they said to him, “What must we do, to be doing the works of God?” 29 Jesus answered them, “This is the work of God, that you believe in him whom he has sent.” 30 So they said to him, “Then what sign do you do, that we may see, and believe you? What work do you perform? 31 Our fathers ate the manna in the wilderness; as it is written, ‘He gave them bread from heaven to eat.’” 32 Jesus then said to them, “Truly, truly, I say to you, it was not Moses who gave you the bread from heaven; my Father gives you the true bread from heaven. 33 For the bread of God is that which comes down from heaven, and gives life to the world.” 34 They said to him, “Lord, give us this bread always.”

35 Jesus said to them, “I am the bread of life; he who comes to me shall not hunger, and he who believes in me shall never thirst. 36 But I said to you that you have seen me and yet do not believe. 37 All that the Father gives me will come to me; and him who comes to me I will not cast out. 38 For I have come down from heaven, not to do my own will, but the will of him who sent me; 39 and this is the will of him who sent me, that I should lose nothing of all that he has given me, but raise it up at the last day. 40 For this is the will of my Father, that every one who sees the Son and believes in him should have eternal life; and I will raise him up at the last day.”

41 The Jews then murmured at him, because he said, “I am the bread which came down from heaven.” 42 They said, “Is not this Jesus, the son of Joseph, whose father and mother we know? How does he now say, ‘I have come down from heaven’?” 43 Jesus answered them, “Do not murmur among yourselves. 44 No one can come to me unless the Father who sent me draws him; and I will raise him up at the last day. 45 It is written in the prophets, ‘And they shall all be taught by God.’ Every one who has heard and learned from the Father comes to me. 46 Not that any one has seen the Father except him who is from God; he has seen the Father. 47 Truly, truly, I say to you, he who believes has eternal life. 48 I am the bread of life. 49 Your fathers ate the manna in the wilderness, and they died. 50 This is the bread which comes down from heaven, that a man may eat of it and not die. 51 I am the living bread which came down from heaven; if any one eats of this bread, he will live for ever; and the bread which I shall give for the life of the world is my flesh.”

52 The Jews then disputed among themselves, saying, “How can this man give us his flesh to eat?” 53 So Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, unless you eat the flesh of the Son of man and drink his blood, you have no life in you; 54 he who eats my flesh and drinks my blood has eternal life, and I will raise him up at the last day. 55 For my flesh is food indeed, and my blood is drink indeed. 56 He who eats my flesh and drinks my blood abides in me, and I in him. 57 As the living Father sent me, and I live because of the Father, so he who eats me will live because of me. 58 This is the bread which came down from heaven, not such as the fathers ate and died; he who eats this bread will live for ever.” 59 This he said in the synagogue, as he taught at Caper′na-um.

The Words of Eternal Life

60 Many of his disciples, when they heard it, said, “This is a hard saying; who can listen to it?” 61 But Jesus, knowing in himself that his disciples murmured at it, said to them, “Do you take offense at this? 62 Then what if you were to see the Son of man ascending where he was before? 63 It is the spirit that gives life, the flesh is of no avail; the words that I have spoken to you are spirit and life. 64 But there are some of you that do not believe.” For Jesus knew from the first who those were that did not believe, and who it was that would betray him. 65 And he said, “This is why I told you that no one can come to me unless it is granted him by the Father.”

66 After this many of his disciples drew back and no longer went about with him. 67 Jesus said to the twelve, “Do you also wish to go away?” 68 Simon Peter answered him, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life; 69 and we have believed, and have come to know, that you are the Holy One of God.” 70 Jesus answered them, “Did I not choose you, the twelve, and one of you is a devil?” 71 He spoke of Judas the son of Simon Iscariot, for he, one of the twelve, was to betray him.

Footnotes

  1. John 6:7 The denarius was a day’s wage for a laborer
  2. John 6:19 Greek twenty-five or thirty stadia